About: http://data.cimple.eu/claim-review/40e395b43ab11e56889a9d6686c28867c38f1f6171b28c66f04a7262     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Absent si Leni Robredo sa SMNI Presidential Debate dahil sa takot kay Professor Clarita Carlos, kaya nagluto na lang siya. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang ipinakitang screenshot ay mula sa vlog ni Marjorie Barretto na ipinalabas noong Pebrero 13 sa Youtube, habang Pebrero 15 naganap ang SMNI debate. May nauna nang schedule si Robredo sa Panay Island sa araw ng debate. - Bakit kailangang i-fact-check: Mayroong 3,200 na reaksiyon, 942 komento, at 1,200 shares ang Facebook post nang isulat itong fact check. Ang detalye Sa post ng Facebook page na “Inday Sara Para Sa Masa,” makikitang nagluluto sina Marjorie Barretto at Bise Presidente Leni Robredo. May caption itong, “Kaya siguro absent si LenLen kagabi, dahil sa takot kay Prof. Carlos ayon nagluto nalang. Wala ng tanungan, wala ng debate debate. Kainan nalang.” Mayroong 3,200 na reaksiyon, 942 komento, at 1,200 shares ang Facebook post nang isulat itong fact-check. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Ayon sa pahayag ng tagapagsalita ni Leni Robredo na si Barry Gutierrez, nakatakdang makipagkita si Robredo sa mga lider at tagasuporta sa Panay Island sa araw mismo ng debate. Sinabi rin sa pahayag na, “She will be unable to attend this privately sponsored event, but will definitely be present for all the upcoming COMELEC sponsored and accredited debates.” (Hindi siya makakarating sa okasyong ito ng pribadong organisasyon, ngunit tiyak na dadalo siya sa lahat ng susunod na debate na itatanghal o may pahintulot ng Comelec.) Bukod kay Robredo, hindi rin nakadalo ang iba pang kanditato sa pagkapangulo na sina Manny Pacquiao, Ping Lacson, at Isko Moreno. Ginanap sa Okada Manila ang live SMNI Presidential Debate, na dinaluhan ni Ferdinand Marcos Jr., Leody de Guzman, Ernesto Abella, at Norberto Gonzales noong Pebrero 15. Naging parte naman ng panel ng debate si Carlos. Makikita sa ilang posts mula sa opisyal na Facebook account ni Robredo ang mga larawan mula sa kanyang pagpunta sa Panay Island upang makipagkita sa mga lider at tagasuporta. Samantala, ang screenshot na nasa Facebook post ay mula sa Youtube vlog ni Marjorie Barretto kasama si Robredo at ang kanyang mga anak. Ipinalabas ang vlog na ito noong Pebrero 13, dalawang araw bago ang pag-ere nang live ng SMNI Presidential Debate. – Dianne Sampang/Rappler.com Si Dianne Sampang ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software