About: http://data.cimple.eu/claim-review/4f1824e98edc3f47f938f5ff06f36aea091ee688ee9e3da2788a47f3     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Mayroong pagmamay-ari na shares ng GMA ang pamilya Marcos na ipinagkatiwala ni Ferdinand Marcos kay Gilberto Duavit Sr., ama ng kasalukuyang Chief Operating Officer ng GMA na si Gilberto Duavit Jr. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nilinaw ng GMA counsel na si Atty. Gener E. Asuncion noong 2007 na ang pamilya Duavit ang totoo at tunay na may-ari ng shares na nais kunin ng pamilyang Marcos. Hindi umusad ang kasong isinampa ni Imee Marcos mula 2007. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 1,700 reaksiyon, 280 komento, at 12,785 views ang post sa YouTube. Mga detalye Isang video noong Mayo 25 ng YouTube user “JIL Review TV” ang nagsasabing may pagmamay-aring shares ang pamilyang Marcos sa television network na GMA. Sinabi ng lalaki sa video na ang mga shares na ito ng GMA ay kasalukuyang hawak ng Chief Operating Officer ng GMA na si Gilberto Duavit Jr. Bilang pagpapatunay sa kanyang sinabi, ikinuwento ng lalaki sa video ang kasong isinampa ni Senador Imee Marcos laban sa pamilyang Duavit noong 2007. Ang nasabing kaso ay tungkol sa kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng shares na hawak ng pamilyang Duavit na umano’y ipinagkatiwala ng diktador na si Ferdinand Marcos sa nasabing pamilya. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 1,700 reaksiyon, 280 komento, at 12,785 views ang post sa YouTube. Hindi totoong pagmamay-ari ng pamilyang Marcos ang shares. Ayon sa isang artikulo ng Philippine Daily Inquirer noong Mayo 2022, hindi umusad ang kasong isinampa ni Imee Marcos sa SEC. Kaagad ding sinagot ng GMA ang isinampang kaso ni Imee Marcos noong 2007. Ayon sa pahayag ng GMA counsel na si Gener E. Asuncion noong 2007, walang katotohanan na pagmamay-ari ng pamilyang Marcos ang shares ng GMA na hawak ng pamilyang Duavit. Paglilinaw ni Asuncion, napatunayan na ng pamilyang Duavit sa naunang kaso nito laban sa dating may-ari ng Republic Broadcasting na si Loreto F. Stewart noong 1986 na ang pamilyang Duavit ang tunay na nagmamay-ari ng shares. Ibinasura ng korte ang reklamong inihain ni Stewart at tuluyan din nitong iniurong ang kaso laban sa pamilyang Duavit noong Nobyembre 1986. Muling nabuhay ang isyu nang manalo si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa eleksiyong naganap noong Mayo 9. Sa isang pahayag ni GMA chairman at Chief Executive Officer na si Felipe Gozon, sinabi niya sa stockholders ng nasabing network na wala silang dapat ikabahala at inaasahan nilang hindi magkakaroon ang network ng problema sa bagong administrasyon. “We have no reason to believe that our relationship with the new government will not be friendly, harmonious, and proper,” Sabi ni Gozon. (Walang dahilan upang isipin na ang ating relasyon sa bagong administrasyon ay hindi magiging maayos.) Ayon sa pinakahuling datos ng AGB Nielsen, ang GMA network ang may pinakamataas na ratings noong 2021. Sinundan ito ng GTV na pangalawang free-to-air channel na pagmamay-ari rin ng GMA network. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software