About: http://data.cimple.eu/claim-review/537df5cb81526da729797def2e8bb8ff4c223d519075db014316218a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Kailangang magsuot ng face shield at magpakita ng vaccination card o negatibong RT-PCR test result ang mga botante na boboto sa Mayo 9. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang video na nagpapakita ng sabi-sabi ay mula sa isang episode ng programang Frontline Tonight ng News5 noong Enero 2022, kung kailan marami pang kaso ng COVID-19. Sinabi ng Commission on Elections sa kanilang Facebook page nitong Mayo 3, 2022, na hindi na kailangan ng mga botante na magsuot ng face shield at magpakita ng vaccination card o negatibong RT-PCR test result pagpunta sa polling precinct dahil nasa Alert Level 1 at Alert Level 2 na ang mga lugar sa bansa. - Bakit kailangan i-fact-check: Maaaring umayaw sa pagboto ang mga taong makaririnig o makakapanood ng lumang balita ito tungkol sa panuntunan na hindi na ipinatutupad ngayon. Mga detalye Umiikot sa social media ang sabi-sabi na kailangan ng mga botante na magsuot ng face shield at magpakita ng vaccination card o negatibong RT-PCR test upang payagan na makaboto sa kanilang polling precinct sa Mayo 9, 2022. Isa sa mga bersiyon ng umiikot na sabi-sabi ay nagpapakita ng isang video mula sa programang Frontline Tonight ng News 5, kung saan sinabi na kailangang sundin ang mga ito dahil parte ito ng bagong alituntunin ng Commission on Elections (Comelec) para sa unang pagkakataon na magdaos ng eleksiyon sa gitna ng pandemya. Hindi totoo na kailangan pa rin ng mga botante na sundin ang mga alituntuning ito. Ang alituntunin na pagsusuot ng face shield at pagpapakita ng vaccination card o negatibong RT-PCR test result upang makaboto ay hindi na kailangang gawin dahil binago na ng Comelec ang alituntunin nito para sa eleksiyon sa Mayo 9. Ang lumang alituntunin kung saan kasama ang face shield at vaccination card o negatibong PCR test result ay bahagi ng alituntuning nilabas ng Comelec noong Enero 2022, noong panahong marami pang kaso ng COVID-19. Nitong Mayo 3, naglabas ng bagong post ang Comelec kung saan sinabi nito na hindi na kailangan ng mga botante na sundin ang mga alituntunin na kanilang sinabi noong Enero. Sabi nito, “Voters are not required to wear a face shield, or present a vaccination card or negative COVID-19 test result.” (Hindi na kailangan ng mga botante na magsuot ng face shield, magpakita ng vaccination card, o ng negatibong COVID-19 test result.) Ang kumakalat na video ng programang Frontline Tonight ng News 5 na naglalaman ng sabi-sabi ay mula pa noong Enero 2022 kung kailan binaba ng Comelec ang una nitong mga alituntunin na kasama ang pagsusuot ng face shield at pagpapakita ng vaccination card o negatibong PCR test para papasukin ang isang botante sa polling precinct. Ilang beses ding ipinakita ni James Jimenez, ang tagapagsalita ng Comelec, ang video clip noong inilabas nito ang nasabing mga alituntunin. Naglabas din ng paglilinaw ang anchor ng Frontline Tonight na si Marie Ann Los Baños noong Pebrero 10 para sa nauna nilang report noong Enero. Sa kasalukuyan, kinakailangan na lamang ng mga botante na magsuot ng face mask at sumunod sa minimum health protocols pagpunta nila sa polling precinct. Ang mga botanteng may temperaturang mas mataas sa 37.5 ay papayagan pa ring bumoto. Sila ay patutuluyin sa espesyal na polling precinct para sa mga pinaghihinalaang may sintomas ng COVID-19. Samantala, ang mga aabutan ng araw ng eleksiyon sa isolation or quarantine facilities ay hindi na makaboboto. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software