About: http://data.cimple.eu/claim-review/540571307e6f0f728b9fe8666e581d289c96d28d9b01fea341083b2a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Hindi kailanman bumisita ang Amnesty International sa Pilipinas para imbestigahan ang Martial Law. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nakapagpadala ng dalawang misyon ang Amnesty International sa Pilipinas – noong 1975 at 1981 – para idokumento at imbestigahan ang mga pang-aabuso noong panahon ng Martial Law. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 191,000 views ang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Marso 3 ng Facebook user “Buddy Bing Corpuz” ang nagsasabi na hindi kailanman bumisita ang Amnesty International (AI) sa Pilipinas para imbestigahan ang Martial Law. Makikita na nakapatong sa bidyo ang linyang “Amnesty Internation has never come to the Philippines saan kinuha ang record nila?” Makikita rin sa bidyo ang isang clip ni dating pangulong Ferdinand Marcos na sinasabi ang linyang “I’ll tell you, the Amnesty International has never come to the Philippines.” (Sinasabi ko sa inyo, ang Amnesty International ay hindi pa nakapunta sa Pilipinas kailanman.) Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 191,000 views ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabi. Dalawang beses na nakapagpadala ang Amnesty International ng misyon sa Pilipinas upang imbestigahan ang mga nangyaring karahasan noong Martial Law. Ang unang misyon na ipinadala ng organisasyon sa Pilipinas ay nakarating sa bansa noong 1975. Ang nasabing misyon ay may permiso pa mismo ni Marcos upang makapasok sa bansa. Inilabas ng Amnesty International ang kanilang report para sa nasabing misyon noong 1976. Nakapagtala ang unang report ng tinatayang 70,000 katao na ikinulong, 34,000 katao na tinortyur, at 3,240 katao na pinatay sa kasagsagan ng Martial Law. Nagpadala ulit ang organisasyon ng isa pang misyon sa Pilipinas noong 1981. Inilabas naman ang kanilang report para sa pangalawang misyon sa bansa noong 1982. Nakatanggap ang organisasyon ng 49 na kaso tungkol sa mga seryosong allegasyon ng paglabag sa karapatang pantao, tulad ng walang habas na pagpatay, pagpatay na isinagawa ng government agents, at tortyur. Sinabi ni Amnesty International Philippines section director Butch Olano sa isang pahayag na hinihikayat nila ang anak ng diktador na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kilalanin ang mga karahasan na ginawa ng kaniyang ama sa kasagsagan ng Martial Law na pinatupad nito. Ang anak ng diktador na nagpatupad ng Martial Law na si Marcos Jr. ay tumatakbo sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 2022. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software