About: http://data.cimple.eu/claim-review/551a370161e6adb2ecae51c687b77e152248ced2d5576af8131b1859     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ibinulgar ng kapitbahay ni Vice President Leni Robredo sa Naga City na masama ang kanyang ugali dahil hindi siya tumulong sa kanila. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang “Brgy. Mariana” sa Naga City at sa buong probinsiya ng Camarines Sur, kung saan hindi umano tumulong sa kapitbahay si Robredo. Ang Mariana ay ang barangay na kinatatayuan ng Office of the Vice President, pero nasa Quezon City ito. - Bakit kailangang i-fact-check: Sa ngayon, umabot na sa 43,000 reactions, 9.7 comments, at 143,000 shares ang malisyosong post sa Facebook. Isang bidyo naman sa YouTube na may katulad na sabi-sabi ang umani na ng 122, 840 views. Mga detalye Isang bidyo sa YouTube channel na “Showbiz Fanaticz” na ipinakalat muli nitong Enero 2022 ang pinamagatang “NAKAKAGULAT: KAPITBAHAY ni VP LENI IBINULGAR ang KASAMAAN ng UGALI ni ROBREDO sa mga taga NAGA!?!” Nakabase ito sa komento sa isang Facebook post na nag-viral noong Hulyo 2019 kung inakusahan ng isang nagpakilalang “kapitbahay” at residente ng “Brgy. Mariana” si Bise Presidente Leni Robredo ng hindi pagtulong sa kanila. Aniya, pumunta raw ang “boss” niya sa opisina ni Robredo at hindi ito pinapasok. Marami raw may ayaw kay Robredo sa nasabing lugar. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Kung titingnan ang opisyal na website ng Naga City, makikita na wala sa listahan ng 27 barangay ang binabanggit na “Brgy. Mariana” sa nasabing Facebook post. Kahit sa buong probinsiya ng Camarines Sur, walang Barangay Mariana sa 1,063 barangay. Walang kinaroroonan ang umano’y kapitbahay na hindi tinulungan. Samantala, ang Office of the Vice President ay nasa Barangay Mariana sa Quezon City. Kung ito ang pinatutungkulan ng orihinal na komento sa Facebook, walang basehan o patunay ang nasabing paratang. Matatandaan na bago pa man pumasok sa pulitika, 10 taon muna ang iginugol ni Robredo sa pampublikong serbisyo bilang human rights lawyer sa Sentro ng Alternatibong Lingap Panligan (SALIGAN). Ang naturang opisina, na matatagpuan sa J. Miranda Avenue, Naga City, ay bukas na tumutulong sa mahihirap at walang kakayahang magbayad sa serbisyo ng mga abogado. Ayon naman sa report ng Commission of Audit para sa taong 2021, nahigitan ng OVP ang mga target nito sa pagtugon sa mga request at pagpapatupad ng mga proyekto ng partners. Nitong kasagsagan ng pandemya, matatandaang gumastos ng P505.3 milyon ang opisina ng Bise Presidente para sa tulong-medikal, pondong pambili ng PPEs, at testing kits. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software