About: http://data.cimple.eu/claim-review/58c6bf380d2a69a0c10d335f4bd387dba105de11029309e03c54119d     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Ang panukalang pagtatatag ng Maharlika Investment Fund, na ihain nina Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos at Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez, ang kauna-unahang inisiyatiba para magkaroon ng sovereign wealth fund ang Pilipinas. Sinabi sa isang video: “Ito na nga mga kaibigan, nai-file na nga ang bill ng panukalang batas ng sovereign wealth fund ng mag-uncle na Ferdinand Martin Romualdez at Sandro Marcos. Ang Philippine sovereign wealth fund ay tinatawag din Maharlika Investments Fund (MIF). Ang kagandahan pa nito, mga kaibigan, ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng ganitong initiative sa ating bansa.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 22,000 views sa YouTube. Ang katotohanan: Bago pa man maihain ng kasalukuyang Kongreso ang House Bill No. 6398 o “Maharlika Investments Funds (MIF) Act” ay nagkaroon na ng mga panukalang batas na naglalayong bumuo ng sovereign wealth fund ng Pilipinas noong ika-17 na Kongreso. Ihinain ni dating senador Paolo Benigno “Bam” Aquino IV ang Senate Bill No. 1212 o “Philippine Investment Fund Corporation (PIFC) Act” noong Oktubre 20, 2016, samantalang ihinain naman ni Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang SB No. 1764 o ang “Philippine Sovereign Wealth Fund (PSF) Act” noong Mayo 16, 2018. Kapareho ng MIF, layunin ng PSF at PIFC na magtatag ng sovereign wealth fund na gagamitin sa mga investment na magbibigay ng dagdag kita sa bayan. Pagkakaiba ng Maharlika fund sa dalawang naunang panukalang batas: Sa orihinal na bersiyon ng MIF, P275 bilyon ang kapital na kinakailangan upang mabuo ang pondo. Kukuhanin ang mga ito sa Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, at sa national budget. Ngunit dahil sa panawagan ng iba’t ibang sektor, inanunsiyo ni Marikina City 2nd District Representative Stella Quimbo, isa sa mga awtor ng panukala, nitong Disyembre 7 na inamyendahan na ang panukala at hindi na kabilang ang GSIS at SSS sa mga pagkukunan ng pondo. Samantala, sa dating panukalang PFIC ni Aquino, sa national budget naman dapat kukunin ang P200 bilyong kapital. Sa bisa ng General Appropriations Act kada taon, patuloy na kukuhanin sa national budget ang taunang kontribusyon para sa pondo. Sa national budget din dapat kukuhanin ang paunang pondo ng PSF, ngunit hindi tinukoy ang tiyak na halaga. Kinahantungan ng mga naunang panukala: Ang mga panukalang batas para sa PIFC at PSF ay parehong sa committee level lamang nakarating matapos ang unang pagdinig sa mga ito. Kasalukuyang dinidinig ng committee on banks and financial intermediaries ng Kamara ang panukalang batas para sa MIF. – Ailla dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software