About: http://data.cimple.eu/claim-review/5a2f52c8940858d98367a3ddaca61a0b7acce668848792b59b80ac6c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Makikita ang mukha ng tambalan nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Sara Duterte sa ginawang pailaw ng Sydney Opera House. Pagbati umano ito ng Australia matapos ang pagkapanalo ng dalawa base sa partial, unofficial results ng nagdaang halalan sa Pilipinas. - Marka: MANIPULADONG LARAWAN - Ang katotohanan: Sa isang mensahe sa Facebook, nilinaw ng Sydney Opera House na wala silang naging pailaw na may kinalaman sa nasabing tambalan, o sa kahit anong may kinalaman sa nagdaang halalan sa Pilipinas. Ngayong Mayo at Hunyo 2022, ipakikita sa pailaw ng naturang gusali ang paglalarawan ng buhay ng mga nasa Kanlurang Australia, partikular na sa komunidad ng Parnngurr. - Bakit kailangang i-fact-check: Sa ngayon ay umabot na sa 3,300 ang reaksiyon, 214 ang komento, at 415 ang nagbahagi ng naturang kasinungalingan sa Facebook. Mga detalye Sa pahina ng “BBM SARA 2022 Solid South,” ibinibida ang isang retrato ng isinagawa umanong pailaw ng Sydney Opera House sa Australia matapos ang naging resulta ng nagdaang halalan sa Pilipinas. Dito, makikita ang mukha nina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ni Sara Duterte na mistulang bahagi ng light show sa haligi ng naturang gusali. Nakasulat sa caption ng naturang post ang mga katagang, “Sydney Opera House. Australia congratulates BBM and SARA.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Manipulado ang larawan. Manipulado ang naturang larawan, at inilapat lamang ang mga mukha nina Marcos Jr. at Duterte upang magmistulang bahagi ng pailaw ng Sydney Opera House. Sa isang mensahe sa Facebook, sinabi ng Sydney Opera House sa Rappler, “The Opera House has not lit the sails in connection with the recent Philippines election, nor was it involved in any way in the production and distribution of this image.” (Ang Opera House ay hindi nagkaroon ng pailaw na may kinalaman sa nagdaang halalan sa Pilipinas, wala rin itong kinalaman sa paggawa at paglalabas ng [kumakalat] na imahen.) Ayon sa kanilang website, nakalaan ang mga buwan ng Mayo at Hunyo 2022 para sa pagpapailaw sa Sydney Opera House ng “Lighting of the Sails: Yarrkalpa – Hunting Ground” – isang paglalarawan sa buhay ng mga mamamayan ng Parnngurr, isang komunidad sa Kanlurang Australia. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software