About: http://data.cimple.eu/claim-review/5b039126c805f8bcecb546735ceedcab01886a96ae8f8b80dc12ef8f     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: 61 ang mga grupo sa party list sa kasalukuyang Kongreso. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: May 51 na grupo sa party list sa kasalukuyang Kongreso, na may 61 na kinatawan sa pangkalahatan. Nahalal ang mga 51 na grupong ito sa eleksiyon noong 2019. - Bakit kailangang i-fact-check: Sinabi ito ni Ronald Cardema, na Commissioner ng National Youth Commission (NYC), ayon sa kalakip na quote card sa isang post noong Oktubre 28 ng opisyal na Facebook page ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Mga detalye Sa isang post noong Oktubre 28 sa opisyal na Facebook page ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), may quote card kung saan makikita ang sinabi ni Ronald Cardema, na Commissioner ng National Youth Commission (NYC), tungkol sa Kabataan party-list group: “Bakit po sila number 61 out of 61 party-lists nung nakaraang eleksiyon? Ibig sabihin sila po yung pinaka-kulelat na partylist nung huling eleksiyon.” Sinabi iyon ni Cardema sa isang episode ng “Laban Kasama ng Bayan” ng SMNI News noong Oktubre 26, simula sa 55:27 ng bidyo sa Facebook. Hindi totoo ang sinabi ni Cardema na may 61 na mga grupo sa party list sa kasalukuyang Kongreso. May 51 na grupo sa party list lamang na nanalo noong eleksiyon noong 2019 at ngayon ay nasa kasalukuyang Kongreso, at mayroong 61 na kinatawan sa pangkalahatan dahil ilan sa mga nanalong partylist ay may dalawa o tatlong kinatawan. (BASAHIN: Comelec proclaims 51 winning groups in 2019 party-list elections) Ang mga partylist na may tatlong kinatawan ay ang ACT-CIS at Bayan Muna, habang ang may dalawang kinatawan ay ang Ako Bicol, CIBAC, Ang Probinsyano, 1Pacman, Marino, at Probinsyano Ako. Sa 51 partylists na may naluklok na isa o higit pang kinatawan sa Kongreso, ang Kabataan Partylist ang pang-51 sa bilang ng nakuhang boto. Nakakuha sila ng 195,837 na boto, o 0.70% ng pangkalahatan. Isa sa mga kinatawan ng Duterte Youth party-list group si Ronald Cardema para sa eleksiyon noong 2019, ngunit kinansela ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanyang nominasyon noong Agosto 2019. (BASAHIN: Comelec affirms Duterte Youth’s Cardema ineligible to sit in Congress) Naproklama naman ang Duterte Youth Party-list group noong Oktubre 2019 na ang kinatawan ay si Ducielle Cardema, ang asawa ni Ronald Cardema. (BASAHIN: Despite legal challenges, Comelec votes 4-1 to proclaim Duterte Youth) Maraming fact-checks na ang Rappler sa mga pahayag na binanggit ang Kabataan party-list group o ang kinatawan nitong si Sarah Elago. Nafact-check na rin ng Rappler ang isang post sa Facebook page ng Duterte Youth na nagsabing ang buong populasyon ng Israel at ang buong populasyon ng mga lalaki sa South Korea ay nagseserbisyo sa militar. – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software