About: http://data.cimple.eu/claim-review/5e0fbf714ab80fb65157630b40cf99de5537c2f6ed71f29f66876711     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Pabor si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang kapatid ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. na si senador Imee Marcos ang maging susunod na pangulo ng Senado. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang naging pahayag ng pagsuporta o pagpabor si Sotto kay Imee para sa posisyong ito. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umani na ng mahigit 50,000 na views ang sabi-sabing ito na ipinaskil sa YouTube. Mga detalye Ayon sa video ng YouTube channel na “Showbiz Fanaticz,” pabor daw si outgoing Senate President Vicente “Tito” Sotto na ang pumalit sa kanya bilang pangulo ng Senado ay ang kapatid ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. na si Senador Imee Marcos. Sa limang minutong video na ito, sinabi rin na suportado ng iba pang senador ang pag-upo ni Imee bilang susunod na Senate president. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Sa isang interbiyu sa DWIZ noong Mayo 21, sinabi ni Sotto na nakikita niyang si Senador Migz Zubiri at ang nagbabalik sa Senado na si Chiz Escudero ay posibleng pumalit sa kanyang puwesto, kung makuha nila ang suporta ng ibang senador. Sa naging valedictory speech ni Sotto noong Hunyo 2, ang huling sesyon ng ika-18 na Kongreso, wala siyang pahayag ng pagpabor o pagsuporta kay Imee na maging susunod pangulo ng Senado. Pinaalalahanan niya ang mga maiiwang senador na panatilihin ang integridad at independensiya ng Senado bilang isa sa mga sangay ng gobyerno. Makailang beses nang na-fact-check ng Rappler ang YouTube channel na “Showbiz Fanaticz” dahil sa mga video na ipinapaskil nito na may gawa-gawa at maling impormasyon. Bago pa man ang proklamasyon ng 12 nanalong senador noong Mayo 18, umuugong na ang pangalan nina Zubiri at Senador Cynthia Villar na posibleng maging susunod na Senate president. Sa huling sesyon Senado, umurong na si Villar at nagpahayag ng suporta kay Zubiri. – Erick Prynze Sazon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software