About: http://data.cimple.eu/claim-review/62c615495e048a1066e3263cd8c918b3c884a222c742eb5a0d2f35c6     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Makukuha na raw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang interest ng Marcos account mula sa 1,922,000 toneladang gintong nakadeposito sa China. Ipinakita sa video na pinamagatang “GRABE INTEREST NG MARCOS ACCOUNT SA CHINA KUKUNIN NA KAYA NI PANGULONG BONGBONG MARCOS?” ang litrato ng mga dokumentong umano’y patunay ng pagdedeposito ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos ng paunang 207,000 toneladang ginto na sinundan pa ng 1,715,000 tonelada sa bangko ng China. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Walang katapusan ang pagpapakalat ng sabi-sabi hinggil sa umano’y nakalululang yaman ng pamilyang Marcos na matagal nang napatunayang imposible. Ang katotohanan: Imposible ang pagkakaroon ng halos magdadalawang milyong toneladang gintong nakadeposito sa China dahil ayon sa tala, nasa 205,238 toneladang ginto pa lang ang namimina sa tanang kasaysayan. Imposible ang sinasabi ng kahit isa sa dalawang dokumentong ipinakita sa video tungkol sa gabundok na ginto. Nauna nang pinabulaanan ang pagkakaroon ng 1,715,000 toneladang gintong idineposito umano noong 1952. Maging ang pagkakaroon ng 217,000 toneladang gintong idineposito raw noong 1957 ay imposible rin. Lumabas sa ginawang reverse image search na unang nailathala na sa Facebook page ng Alpha Omega World Development Marshall Programme noon pang 2017 ang mga dokumentong nagsasaad ng umano’y pagdedeposito ng mga ginto. Naitampok na ang page na ito sa isang artikulo at ilang fact check ng Rappler. Kilala ang page na ito sa pagpapalaganap ng Marcos gold myths at ng sabi-sabing ang pinuno nilang si Tiburcio Villamor Marcos ay anak ni dating pangulong Marcos. Galing umano sila sa angkan ng mga Tallano na sinasabing maharlikang pamilyang namumuno sa buong Pilipinas bago pa man dumating ang mga Kastila. Ano kamo ulit? – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software