About: http://data.cimple.eu/claim-review/64ee6e4ec4ffff9b48b4d543448c08459c29e18357504a7a78546124     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Patunay na nakapagsarili ang Filipinas ang hind nito pakikipagkalakal sa ibang bansa mula 1983 hanggang 1986, sa administrasyon ni pangulong Ferdinand Marcos. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: May partisipasyon ang Filipinas sa pandaigdigang kalakalan mula 1983 hanggang 1986 sa administrasyon ni pangulong Ferdinand Marcos, ayon sa impormasyong nailathala ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong mga panahong iyon. - Bakit kailangang i-fact-check: Nakita ang sabi-sabi sa isang post na ginawa noong Agosto 24, 2020, ng Facebook page na “LABAN PINAS 2.” Ang post ay mayroon nang humigit-kumulang na 72,000 na reaksiyon, 22,000 na komento, at 93,000 shares nang isinulat ang fact-check. Kumakalat pa rin ang post kamakailan lang. Mga detalye Isang post na ginawa noong Agosto 24, 2020, ng Facebook page na “LABAN PINAS 2” ang nagsasabing walang partisipasyon sa pandaigdigang kalakalan o international trade ang Filipinas mula 1983 hanggang 1986, sa administrasyon ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Sa gitna ng mahabang post na pawang pagsuporta kay Marcos ang laman, sinabi ito: “In short, noong 1983-1986, ang Pilipinas ay tumindig sa kanyang sarili bilang isang independent nation na hiwalay sa world market. Totally walang involvement sa international trade.” Nang isinulat ang fact-check, ang post ay nakakalap na ng humigit-kumulang na 72,000 na reaksiyon, 22,000 na komento, at 93,000 shares. Kumakalat pa rin ang post kamakailan lang. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Makikita sa datos ng Philippine Statistical Yearbook na inilathala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na nakipagkalakal sa ibang bansa ang Filipinas noong mga taong 1984, 1985, at 1987. Hindi mahanap online ang Yearbook para sa 1986. Sa bawat edisyon ng Philippine Statistical Yearbook ay mayroong “CHAPTER 7 – FOREIGN TRADE; BALANCE OF PAYMENTS” na nagtataglay ng kaukulang impormasyon. Halimbawa, sa 1987 Yearbook, makikita sa “Table 7.1 – Foreign Trade of the Philippines: 1935 to 1986” na mayroong mga luwas o exports at mga angkat o imports ang Filipinas para sa mga taong 1983 hanggang 1986: Ang mga datos para sa 1983 at 1984 ay makikita rin sa 1985 Yearbook. Ang datos naman para sa 1983 ay makikita rin sa 1984 Yearbook. Makikita rin sa iba pang mga bahagi ng Chapter 7, sa Table 7.2 hanggang Table 7.9, ang iba pang impormasyon tungkol sa partisipasyon ng Filipinas sa pandaigdigang kalakalan mula 1983 hanggang 1986. May publikasyon din ang NEDA na ang pamagat ay “Foreign Trade Statistics of the Philippines” na may komprehensibong impormasyon tungkol sa partisipasyon ng Filipinas sa pandaigdigang kalakalan mula 1983 hanggang 1986. Sa website ng Philippine Statistics Authority, makikita ang links para sa mga taong 1983, 1984, 1985, at 1986 na naglalaman ng kaukulang impormasyon. Ngayon, ang PSA ang kumokolekta ng impormasyon tungkol sa partisipasyon ng Filipinas sa pandaigdigang kalakalan. Marami nang nagawa ang Rappler na fact-checks tungkol sa mga Marcos. – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software