About: http://data.cimple.eu/claim-review/677b0de76eec7997f9cc6bcd5cb4d9aff9c7a24b33c043e1a4465661     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sinabi diumano ni Senador Bong Go na ang mga tagasuporta ni Bise Presidente Leni Robredo ay mga “elitista” at “mayayaman.” - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Hindi kailanman sinabi ni Senador Go ang mga nakasaad sa larawan. - Bakit kailangang i-fact check: Nang isinusulat ang fact check article na ito, nakatanggap na ng mahigit sa 8,400 reactions, mahigit sa 2,100 comments, at 159 shares ang larawang naka-post sa Facebook. Mga detalye Nag-upload ang Facebook page na “Shut Up!” ng isang pekeng quote card ni Senador Bong Go na mayroong larawan ng senador. Ayon sa larawan, sinabi umano ni Go na, “Kung elitista’t mayaman ka, kakampink ka. Kung mahirap kang atat sa tunay na pagbabago, kasangga mo ako. Tapat na serbisyo ko ang kailangan mo. Kitakits sa 2022!” Nagmukhang opisyal na inilabas ng Senado ang quote card na ito dahil sa ginamit na logo ng institusyon. Nang isinusulat ang fact check article na ito, ang Facebook post ay nakatanggap na ng mahigit sa 8,400 reactions, mahigit sa 2,100 comments, at 159 shares. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Napag-alaman ng Rappler na ang post na ito ay “sponsored post.” Ang ibig sabihin nito, nagbayad ang may-akda upang ipakalat ng Facebook ang post sa mas maraming tao. Ayon sa screenshot na ito, isang indibiduwal na nagngangalang Ricardo dela Cruz Flores Jr. ang nagbayad upang gawing “sponsored post” ang larawan. Hiningi rin ng Rappler ang panig nina Senador Bong Go upang kumpirmahin kung totoo nga ang nasabing post. Ayon sa tagapagsalita ng kampo ng senador sa isang panayam gamit ang Viber, peke raw ang naturang larawan. Noong Nobyembre 13, inihain ni Senador Bong Go ang kanyang certificate of candidacy sa pagkapangulo sa darating na halalan sa 2022. – Kiko Mendoza/Rappler.com Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software