About: http://data.cimple.eu/claim-review/6872233813dba0147e504faa8b5f1587046de0e6b75917ed66c7f0df     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Si dating pangulong Ferdinand Marcos ang nagpagawa ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) at Philippine National Railways (PNR). - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Noong 1892 pa nagsimula ang operasyon ng PNR, panahon ng mga Kastila. Samantala, noong 1989, ilang taon na matapos mapatalsik ang diktador na si Marcos, nagsimula ang bidding para kontrata sa paggawa ng MRT-3. - Bakit kailangang i-fact-check: Ilang magkakahawig na paskil ang nagpapakalat ng naturang kasinungalingan sa Facebook. Mga detalye Sinita ng ilang magkakahawig na paskil sa Facebook ang mga bumabatikos sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos dahil patuloy anilang pinapakinabangan ng mga ito ang mga ipinagawa ng diktador. “Wag kayo sumakay sa mga train (LRT, MRT at PNR),” hamon ng mga awtor ng magkakahawig na paskil. Kasama sa naturang pahayag ang mga hashtag na #SOLIDBBMFORPRESIDENT2022 at #SolidMarcos. Hindi totoong si Marcos ang nagpatayo ng MRT at PNR. Noong 1892 pa nagsimula ang operasyon ng Pambansang Daangbakal ng Pilipinas. Matapos ilatag ang kauna-unahang riles sa linya ng Manila-Dagupan Ferrocaril noong 1891, tinawag ang nasabing nagpapatakbo ng tren bilang “Ferrocarril de Manila-Dagupan” noong panahon ng mga Kastila, habang “Manila Railroad Company” naman ang itinawag dito noong panahon ng mga Amerikano. Noong 1964, sa bisa ng Republic Act No. 4156, sa ilalim ng administrasyon ni presidente Diosdado Macapagal, pinalitan ang naunang pangalan ng naturang nagpapatakbo ng tren at ginawang “Philippine National Railways.” Samantala, nagsimula lamang ang bid para sa pagpapatayo ng MRT noong 1989, ilang taon na matapos patalsikin ng sambayanan ang diktador na si Marcos. (BASAHIN: FALSE: No president after Marcos built mass transit projects). – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software