About: http://data.cimple.eu/claim-review/6941c55641f9a03ae9e12d4980f55f434c84905109e34a7eb26a6649     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Sabi-sabi: Ang mga bank account ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos na nakakalat sa iba’t ibang bangko sa mundo ay mayroon daw isang bilyong metrikong toneladang ginto at isang milyong metrikong toneladang platinum. Sinabi sa video: “Sa mga hindi po nakakaalam ay itong mga account kung pagsasama-samahin ang lahat ng ito ay matatawag itong infinity account o infinite dollars account. Naglalaman ng 1,181,336,675 metric tons ng mga ginto at kasama na rito ang 1 million metric tons ng platinum, at 1 million metric tons ng iba’t ibang kulay ng mga diyamante.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Walang katapusan ang pagpapakalat ng sabi-sabi hinggil sa nakalululang bilang ng umano’y yaman ng pamilyang Marcos na matagal naman nang napatunayang imposible. Ang katotohanan: Imposibleng magkaroon ng bagay na wala naman talaga. Ayon sa tala, nasa 205,238 toneladang ginto pa lang ang namimina sa tanang kasaysayan. Saan nila kinuha ang diperensiyang 1,181,31,437 metrikong toneladang ginto? Sa hangin kaya? Hindi rin posible ang milyong toneladang platinum dahil ayon sa US Geological Survey, nasa 14,200 metrikong tonelada lamang ang kabuuang bilang ng naminang bakal na kabilang sa platinum-group element (PGEs) mula 1900 hanggang 2011. Nasa 40% lamang ng nasabing bilang ang para sa platinum, dahil kabilang rin sa nasabing grupo ng mga bakal ang palladium, rhodium, omnium, rutherium, iridium, at osmium. Nasa ibaba ang mga naunang fact checks ng Rappler hinggil sa nakalululang yaman umano ng pamilyang Marcos: - FALSE: Marcos family owns ‘$2 quadrillion’ worth of gold - FALSE: Marcos family owns a ‘million tons of gold’ - HINDI TOTOO: Nagmamay-ari ng ‘milyong tonelada ng ginto’ ang pamilyang Marcos - From fringe to mainstream: Tracing the myth of the Marcos gold online - Hindi totoong mayroong 607,000 tons na ginto ang mga Marcos –Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software