About: http://data.cimple.eu/claim-review/69c150f0076b324cf819f255ba2c52396b3fbec0e849732eaa0bbfae     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sinabi ni Bise Presidente Leni Robredo: “Hindi pa tapos ang laban. Magkikita-kita tayo muli sa EDSA para patalsikin ang mga magnanakaw at sinungaling na niluklok ng 31M disinformed na Pilipino.” - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Pinabulaanan ni Robredo sa kanyang opisyal na Facebook page ang sabi-sabing ito. Hindi konektado sa Office of the Vice President o kay Robredo ang Twitter account na “Angat Buhay New Government” o @NewGovOrgABF, na nag-post nitong pekeng pahayag. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 97 replies at 40 retweets sa Twitter ang sabi-sabi. Mga detalye Noong Mayo 18, kumakalat na ang post ni Twitter user “Angat Buhay New Government” o @NewGovOrgABF na nagsasabing hinihikayat daw ni Bise Presidente Leni Robredo na bumalik sa EDSA ang mga tao upang patalsikin si president-elect Ferdinand Marcos Jr. Nakalagay sa tweet ang sumusunod na pahayag: “Hindi pa tapos ang laban. Magkikita kita tayo muli sa EDSA para patalsikin ang mga magnanakaw at sinungaling na niluklok ng 31m disinformed na Pilipino.” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 97 replies at 40 retweets sa Twitter ang sabi-sabi. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Pinabulaan sa opisyal na pahina ni Robredo sa Facebook ang sabi-sabing ito noong Mayo 18 din. Ayon sa Facebook post ng Bise Presidente: “Hindi po konektado sa Office of the Vice President o kay VP Leni Robredo ang Twitter account na ‘Angat Buhay New Government’ o @NewGovOrgABF. Wala pong katotohanan ang mga lumalabas sa account na ito, na ang malinaw na layunin ay manlinlang at magpakalat ng maling impormasyon.” Sinabi ng kampo ni Robredo nitong Martes, Mayo 24, na hindi sila tututol sa pagsasama ng lahat ng certificates of canvass (COCs) sa tallying ng mga boto para sa pangulo noong halalan ngayong Mayo 2022. Sa isang manipestasyon sa canvassing ng Kongreso ng mga boto para sa presidential at vice presidential positions, binanggit ng election counsel ni Robredo na si Romulo Macalintal ang naunang mga pahayag ng Bise Presidente na “tanggapin ang desisyon ng nakararami.” (PANOORIN: Robredo, Moreno camps say ‘no obejection’ as Congress count votes) Inanunsiyo ni Robredo noong Mayo 13 sa isang thanksgiving event sa Ateneo de Manila University ang pagbuo ng Angat Buhay NGO na ilulunsad sa Hulyo 1, o isang araw matapos niyang bumaba sa pagka-bise presidente, para ipagpatuloy ang mga programang nasimula niya. Sa isang Facebook post sa kanyang opisyal na pahina sa Facebook nagpaalala si Robredo na maging maingat at mapanuri sa mga iba’t ibang nagpapakilala bilang bahagi ng NGO. Maraming mga pekeng account sa social media ang mabilis na nagsulputan matapos ipahayag ni Robredo ang idea ng isang malawak na NGO. Walang nakitang opisyal na pahayag, ulat, audio, o video ang Rappler na nagpapatunay na sinabi ni Robredo ang quote na pinag-uusapan. Wala ring balita mula sa lehitimong news organization ang nag-quote kay Robredo na nagsasabing nanghihikayat itong bumalik sa EDSA ang mga tao upang patalsikin si Marcos Jr. – Owenh Jake Toledo/Rappler.com Si Owenh Jake Toledo ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software