About: http://data.cimple.eu/claim-review/6fea16617082e0be9bcb2f6bbb1cba5187e7ec3131d3eca8a9b985a7     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Tinanggal si Dr. Jean Franco bilang isang propesor sa University of the Philippines (UP) dahil sa sinabi niya sa isang panayam tungkol sa resulta ng halalan nitong 2022. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Si Franco ay bahagi pa rin ng UP Department of Political Science. - Bakit kailangang i-fact-check: Ang video sa YouTube channel na “BANAT NEWS TV” na unang nagpakalat ng sabi-sabing ito noong Mayo 27 ay mayroong nang 248,857 na view nang isinulat ang fact-check. Ikinakalat din ito ng videos ng YouTube channels na “Bardz News Update tv,” “BANAT KAPANIG TV,” at “JONZ TV.” Mga detalye Sinabi sa video na in-upload sa YouTube channel na “BANAT NEWS TV” noong Mayo 27 na tinanggal na sa University of the Philippines (UP) ang propesor na si Dr. Jean Franco dahil sa sinabi niya sa panayam sa ABS-CBN News noong Mayo 10 tungkol sa resulta ng katatapos na halalan ngayong 2022. Heto ang pamagat ng video galing sa “BANAT NEWS TV” na nagpapahiwatig na tinanggal si Franco bilang propesor ng UP: “JUST IN : MATAPOS MINA-LIIT si SARA-BBM, NASAMPULAN NA U.P. PROF. TAN-GAL AGAD PAHIYA kay Atty.BRUCE.” Ganoon din ang ipinahihiwatig sa thumbnail ng video, na may pulang arrow pa na nakaturo kay Dr. Franco: “SHOCKING! TANG-GAL NA ITO ANG IYAW IPALABAS NG BAYARANG MEDIA” Nang isinulat ang fact check, mayroon nang 248,857 na view ang video, na hindi na rin makita sa YouTube. Makikita rin ang katulad na sabi-sabi tungkol kay Franco sa pamagat ng videos na in-upload nitong Mayo sa mga sumusunod na YouTube channels: - “Bardz News Update tv” – “JUST IN : KARMA! MATAPOS MALI-ITIN si BBM-SARA! UP Prof. NASAMPULAN/TANGAL na PAHIYA KAY Atty.BRUCE” - “BANAT KAPANIG TV” – “JUST IN : KARMA! U.P Prof. NASAMPULAN/TAN-GAL na/PAHIYA kay Atty.BRUCE MATAPOS MALI-ITIN si BBM-SARA” - “JONZ TV” – “JUST IN: HALA TANGGAL na! U.P. PROF SIBAK AGAD PAHIYA kay ATTY BRUCE Matapos MINALIIT si SARA-BBM” Hindi totoo na tinanggal si Dr. Jean Franco bilang propesor sa UP. Sa email sa Rappler, kinumpirma ni Franco na aktibo pa rin siya bilang associate professor sa Department of Political Science, College of Social Sciences and Philosophy, ng UP. Sinabi rin niya na siya ay naka-sabbatical leave mula Pebrero 1, 2022 hanggang Enero 31, 2023. Pinabulaanan din ng UP Diliman College of Social Sciences and Philosophy Executive Board ang sabi-sabing ito sa isang pahayag. Sinabi nito: “Dr. Encinas-Franco is a respected member of the faculty of the Department of Political Science. She has not been removed from service.” (Si Dr. Encinas-Franco ay isang respetadong miyembro ng kaguruan ng Department of Political Science. Hindi siya tinanggal.) Sinabi rin sa mga email ng ilang opisyal ng UP na aktibo pa rin si Franco roon. Naglathala rin ng fact check ng sabi-sabi ng “BANAT NEWS TV” ang Facebook page na “UP sa Halalan” noong Hunyo 2. Sinabi roon na si Franco ay propesor pa rin sa UP, at wala itong rekord ng pagiging “pasaway.” Ang “UP sa Halalan” ay proyekto ng Department of Political Science ng UP na naglalayong bigyang kaalaman ang mga botante tungkol sa mga bagay kaugnay ng halalan. Ang nasabing fact-check ay nai-share din sa Facebook page ng UP Department of Political Science. Sinabi rin ni JC Punongbayan, na senior lecturer sa UP at kolumnista ng Rappler, sa isang post sa Facebook noong Hunyo 3 na si Franco ay “hindi tinanggal at lehitimo pa rin na UP professor” (isinalin mula sa Ingles). Idinagdag ni Dr. Franco sa kanyang email na hindi kumpleto ang pahayag niya na ipinakita sa mga video. Sa bawat video, ipinakita o maririnig ang pahayag na ito mula kay Dr. Franco: “Marcos Jr. and Sara may have won the election, but it is actually Leni and Kiko who have captured the hearts and minds of especially the young people.” (Sina Marcos Jr. at Sara man ang nanalo sa halalan, si Leni at Kiko talaga ang nakakuha ng mga puso’t isip, lalo na ng mga kabataan.) Ang totoo, pinutol sa video ang karugtong ng pahayag niya: “…especially the young people who have supported them” (na sumuporta sa kanila). Dahil hindi nakasama ang parteng iyon ng pahayag, maaaring isipin ng nakakarinig na ang tinutukoy ni Franco na nabihag ang puso at isip ay mga kabataan sa pangkalahatan, pati ang mga sumuporta kina Marcos at Sara Duterte. Maraming ulit nang na-fact-check ng Rappler ang mga pahayag mula sa “BANAT NEWS TV,” kabilang ang mga sumusunod: - FALSE: Raffy Tulfo’s license revoked - HINDI TOTOO: Imee Marcos inihayag ang Bongbong-Sara tandem para sa 2022 halalan - FALSE: Manny Pacquiao disqualified in 2022 elections - FALSE: Comelec spokesperson Jimenez removed from post – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software