About: http://data.cimple.eu/claim-review/75c8a0dd4ce9115cdf336b599037a0e9acbc0f44b5be41738d82098e     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Walang babayaran sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 588 na share, 139 na komento, at 132 na reaksiyon. Ang katotohanan: Kinumpirma ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Rappler noong ika-17 ng Oktubre na hindi libre ang mga bahay sa itatayong pambansang pabahay na programa ng gobyerno. Nauna nang nilinaw ni DHSUD Secretary Jose Rizalino “Jerry” Acuzar noong ika-22 ng Setyembre sa groundbreaking ceremony ng itatayong pabahay sa Quezon City na ang mga itatayong yunit ay babayaran ng mga titira rito. “Itong pabahay na ito, binabayaran, kaya kung maaari sana iyong mga bibili ng bahay magbayad sana para matuloy ang programa,” sinabi ni Acuzar. Pinababang interes: Upang tuparin ang layunin ng administrasyon na tugunan ang kakulangan sa bahay ng 6.5 milyong pamilya, ibinaba ng DHSUD ang preferential interest rate sa 1% na lamang para sa mga itatayong bahay mula sa 6% na interes. Ang 1% na interest rate ay mag-a-apply lamang para sa mga pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program. Presyo ng bahay: Naglalaro sa P580,000 hanggang sa P1,150,000 ang presyo ng bahay, depende sa lugar at sa uri ng bahay – kung socialized, upgraded, midrise, o high rise ito. Ang lokal na pamahalaan kung saan itatayo ang mga nasabing pabahay ang tutukoy sa mga kalipikadong benepisyaryo sa oras na mapinalisa ng ahensiya at ng mga lokal na pamahalaan ang detalye sa pagpapatupad ng nasabing programa. – Ailla dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software