About: http://data.cimple.eu/claim-review/787ae00151452aba21aa9d8ba1b9db5ae9e13ff92bb013000117d2dd     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nagpahayag si Bise Presidente Leni Robredo na magkakagulo kung siya ay matalo ngayon sa presidential election. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang anumang ulat, dokumento, o bidyo na nagpapatunay na sinabi ito ni Robredo o ng sinoman sa kanyang kampo. - Bakit kailangang i-fact-check: Sinabi ito ng reporter na si Marlon Purificacion ng Journal Publications para humingi ng reaksiyon ng ibang presidential candidates sa isang press conference nitong Linggo, Abril 17. Ang Journal Publications ay pag-aari ng pinsan ng isa pang karibal ni Robredo na si Ferdinand Marcos Jr. Mga detalye Nitong Linggo, Abril 17, nagdaos ng isang press conference ang mga lalaking kandidato sa pagkapangulo na pawang napag-iiwanan sa survey: Manila Mayor Isko Moreno, Senador Panfilo Lacson, at dating defense secretary Norberto Gonzales. Sumama rito ang mga kandidato para sa pagkabise presidenteng sina Dr. Willie Ong, ang running mate ni Moreno, at si Senate President Vicente Sotto III, ang running mate ni Lacson. Nais daw nilang ipahayag na hindi sila uurong sa laban kahit na may kumakausap umano sa kanila na umurong na’t sumuporta na lamang kay Bise Presidente Leni Robredo. Tinanong ni Marlon Purificacion ng Journal Publications ang mga kandidato: “Kunin ko lang ho ang reaksiyon ’nyo kasi may statement recently si Vice President Robredo na ’pag natalo siya ngayong eleksiyon ay magkakagulo. What’s your take on that (Ano po ang masasabi ’nyo rito)?” Hindi totoong nagpahayag ng ganito si Robredo. Walang anumang ulat, dokumento, o bidyo na nagpapatunay na may sinabing ganito, o kahit na anong pahayag na malapit dito, si Robredo. Sinubukang klaruhin ni Lacson kung totoong nanggaling kay Robredo ang pahayag na ito o mula sa kanyang mga tagasuporta, at iginiit ni Purificacion na si Robredo mismo ang nagsabi. Agad na nag-fact-check si Mara Cepeda, ang beat reporter ng Rappler na nakasunod sa kampanya ni Robredo sa simula pa lamang. Sinabi ni Cepeda sa isang tweet: “FACT: Been covering VP Leni Robredo’s presidential campaign since she declared her candidacy. NEVER did she say there would be chaos if she loses this race. Her male rivals fell into that trap of a question ’no?” (ANG KATOTOHANAN: Sinusundan ko ang kampanya ni VP Leni Robredo para sa pagkapangulo mula noong idineklara niya ang kanyang kandidatura. KAHIT KAILAN HINDI niya sinabi na magkakagulo kung matalo siya sa eleksiyong ito. Pinatulan talaga ng mga lalaking karibal niya ang tanong na ito, ’no?) Mula Abril 17, kumakalat pa rin ang sabi-sabing nagmula naman ang pahayag na ito sa kampo ni Robredo. Hindi rin ito tooo. Nitong Abril 21, nagbigay ng opisyal na pahayag ang tagapagsalita ni Robredo na si Barry Gutierrez sa Rappler: “Neither VP Leni nor anyone else from the campaign ever said any such thing. The supposed ‘quote’ is a complete fabrication.” (Hindi nagmula kay VP Leni o sinoman sa aming kampanyan ang nagsalita ng ganito. Ang umano’y “pahayag” ay gawa-gawa lamang.) Ang Journal Publications ay binubuo ng People’s Journal, People’s Tonight, People’s Taliba website, at Journalnews.com. Pag-aari ang mga ito ng pinsan ng isa pang karibal ni Robredo, si Ferdinand Marcos Jr. Ayon sa isang pag-aaral ng Tsek.ph, si Robredo ang pangunahing tinatarget ng mga maling impormasyon at kasinungalingan na kagaya nito ngayong eleksiyon. Basahin ang iba pang fact check na nagawa ng Rappler tungkol kay Robredo: - FALSE: Robredo’s quote on Filipinos working from home - HINDI TOTOO: Tinutulan ni Robredo ang pagpapatayo ng Philippine Arena - HINDI TOTOO: Walang planong solusyon si Robredo sa problema ng droga sa bansa - HINDI TOTOO: Hindi maalala ni Robredo ang kaniyang paboritong libro - HINDI TOTOO: Nakalutang sa tubig ang mga dumalo sa Robredo-Pangilinan rally sa Butuan – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software