About: http://data.cimple.eu/claim-review/7b01ade428fbb2f8afd2074a3ea0e4ee296f54d58046001291c270e2     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nakakapagpagaling ng katarata ang halamang gamot. - Marka: HINDI TOTOO. - Ang katotohanan: Walang natural na gamot sa katarata. Maaari lamang matanggal ang katarata kung sasailalim sa operasyon. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa mahigit 2,500 na reaksiyon, 318 na komento, at 187 na share ang post na naglalaman ng sabi-sabi sa Facebook. Mga detalye Mula Mayo 20, kumakalat ang isang Facebook post na nanghihikayat sa mga tao na bumili ng umano’y natural na gamot para mapagaling ang katarata. Ang caption na nakalagay sa post ay, “Kalimutan ang iyong mga problema sa paningin.” Kasama rin sa post ang retrato ni Raffy Tulfo, na walang koneksiyon sa post o sa sabi-sabing ito, at nakalagay ang sumusunod na pahayag: “Natuklasan ng estudyante! Bumalik ang paningin sa loob ng isang linggo.” Makikita sa komento na libo-libong mga tao na ang napaniwala sa mga pahayag na ito. Ayon sa post na ito, nakakatanggal ng katarata ang natural na gamot na maaaring bilhin lamang sa Facebook page. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Ayon sa National Eye Institute (NEI) ng Estados Unidos, ang tanging paraan upang matanggal ang katarata ay ang pagsailalim sa operasyon. Hindi ito mapagagaling ng anumang halamang gamot o natural na gamot. Maaari lamang pigilan o bagalan ang pagbuo ng katarata habang tumatanda sa pagiging malusog, pagsuot ng salamin lalo na kapag naaarawan, pagtigil ng paninigarilyo, at iba pa. Kasama sa mga kumakalat na post na naglalaman ng sabi-sabing ito ay isang umano’y link kung saan makabibili ang gamot na ito. Walang produkto o gamot na makikita pag-click dito. May mga na-fact-check na ang Rappler na iba’t-ibang kasinungalingan kaugnay ng kalusugan at mga gamot. Basahin ang ilan sa mga nito: - FALSE: Chrysocolla bracelets can detoxify and regulate insulin, glucose levels - FALSE: Magnetic therapy insoles increase height - FALSE: Lishou helps consumers lose weight in two weeks - FALSE: COVID-19 vaccination has no benefits for children - MISSING CONTEXT: Honey and flour patches over the back can alleviate cough – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software