About: http://data.cimple.eu/claim-review/7c142540f6e745fbda7a48c208159b4e71a9506bfa13d05fc12ca3ef     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ipinapakita ng isang video na sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang rally na si Bise Presidente Leni Robredo ang kaniyang susuportahan sa karera para sa pagkapangulo. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Hindi si Pangulong Duterte ang nasa video. Ang video clip ay parte ng mensahe ni Jun “Zagitsit” Alegre, na tumatakbo bilang provincial board member ng ikalawang distrito ng Albay sa grand rally ng partido na Ang Probinsyano. Ginaya ni Alegre ang estilo ng pananalita ni Duterte sa kaniyang mensahe sa nasabing rally. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 29,000 reaksiyon, 1,200 komento, at 616,000 views ang post sa TikTok. Mga detalye Isang video noong Mayo 7 ng TikTok user “@_cravingfortakoyaki” ang nagpapakita ng pahayag umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pagsuporta sa pagtakbo ni Bise Presidente Leni Robredo para sa pagkapangulo. Maririnig sa video na sinasabi ng lalaki na umano’y si Duterte: “This may be my first time that I’m gonna make public my choice for president. Leni ako.” (Ito yata ang unang pagkakataon na sasabihin ko sa publiko ang aking pinili para sa pagkapresidente. Leni ako.) Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 29,000 reaksiyon, 1,200 komento, at 616,000 views ang post sa TikTok. Hindi totoong si Duterte ang nasa TikTok video. Ang lalaki sa video ay ang politiko na si Jun “Zagitsit” Alegre, na tumatakbo bilang provincial board member ng ikalawang distrito ng Albay. Makikita sa isang video ng Facebook user na si Vanessa Alcantara ang mas malapit at mas malinaw na kuha ng pahayag ni Alegre. Sa unang bahagi ng kaniyang pahayag, pabirong ginaya ni Alegre si Duterte, bago niya sinabi ang kaniyang pormal na mensahe para sa rally. Makikita rin sa video ni Alcantara ang kabuuang mensahe ni Alegre na tumagal nang limang minuto kompara sa TikTok video ng sabi-sabi na isang minuto lang ang haba. Bagaman isang independent candidate, dumalo si Alegre sa grand rally ng partido na Ang Probinsyano at Team Rosal-Cristobal ng kandidato sa pagka-alkalde na si Geraldine Rosal at ang kaniyang running mate na si Bobby Cristobal sa Sawangan Park, Legazpi City, noong Mayo 7. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software