About: http://data.cimple.eu/claim-review/7ca6597c4038dee3d433811bac240de4abde09f7329ef2897d01cb67     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ang kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may-akda ng Republic Act 8044 na nagtatag ng National Youth Commission (NYC). - Marka: KULANG SA KONTEKSTO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Kulang sa Konteksto” na nauna nang ibinigay ng PressOne sa kanilang fact check sa pahayag na ito. - Ang katotohanan: Hindi principal author o pangunahing may-akda ng RA 8044 si Marcos Jr. Isa lamang siya sa co-authors ng pinagsamang Senate Bill No. 1977 at House Bill 11614 noong siya ay kongresman. Si Manila 2nd District Representative Jaime C. Lopez noon ang principal author. - Bakit kailangang i-fact-check: Ibinahagi ng Duterte Youth Party-list Facebook page nitong Mayo 1 ang post ng dati nitong nominee na si Ronald Cardema, ang chairperson at CEO ng NYC. Mga detalye Sa isang Facebook post nitong Mayo 1, sinabi ni Ronald Cardema, chairperson at CEO ng National Youth Commission, na ang kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang may-akda ng Republic Act 8044, na nagtatag ng NYC. Ibinahagi ito ng Facebook page ng Duterte Youth Party-list, kung saan dating nominee si Cardema at ngayon ay kinatawan ang kanyang maybahay. Ayon sa post ni Cardema nitong Mayo 1: “CONG. FERDINAND ‘BONGBONG’ MARCOS, JR Author of Republic Act 8044, the law that created the National Youth Commission (NYC) in 1995.” Sa isa pang Facebook post noong Abril 8, sinabi naman ni Cardema na si Marcos Jr. ang principal author o pangunahing may-akda ng RA 8044. Ang pahayag na si Marcos Jr. ang may-akda ng RA 8044 ay kulang sa konteksto. Ang RA 8044, na naipasa noong Hunyo 2, 1995, noong 9th Congress, ay konsolidasyon ng dalawa pang bill na naihain sa Kongreso: ang Senate Bill 1977 at ang House Bill 11614. Base sa impormasyon galing sa House Legislative Information Service o LEGIS noong 9th Congress, kasama si Ilocos Norte 2nd District Representative Marcos Jr. sa mga co-author ng House Bill 11614, ngunit hindi siya ang principal author o pangunahing may-akda nito kundi si Manila 2nd District Jaime C. Lopez. Dahil hindi senador si Marcos Jr. noon, hindi siya maaaring naging principal author naman ng Senate Bill No. 1977. Noong 9th Congress din, si Marcos ang principal author ng isang naunang House bill para sa paggawa ng National Youth Commission, ang House Bill 4660, at si Jaime C. Lopez naman ang principal author ng mas nauna pang House Bill 15 para sa paggawa naman ng tinawag doon na “Philippine Commission on Youth Development.” Makikita sa LEGIS na ang parehong house bill na iyon ay “substituted by” House Bill 11614, na siyang kinonsolida kasama ang Senate Bill 1977 para mabuo ang RA 8044. Na-fact-check na noon ng Rappler ang Facebook page ng Duterte Youth Party-list at ang Facebook account ni Ronald Cardema. Kabilang ang Duterte Youth Party-List sa mga tumatakbong organisasyon sa party-list election sa Mayo. – Percival Bueser/Rappler.com kasama ni Rommel Lopez/PressOne Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software