About: http://data.cimple.eu/claim-review/8175382e8e4c65d141efd9997cf8b4368842b6c73c9123a6f1e5a4b5     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Bubuwagin na ang K-12 na programa at pirmado na ng Department of Education (DepEd) ang utos na ito. Sinabi sa video na pinamagatang “JUST IN : GOODNEWS! MATlNDlNG UTOS DEPED K-12 ni PNOY BUBUWAGIN PIRMADO NA! VPSARA PBBM DlLAWAN IYAK” na bubuwagin na ang K-12, alinsunod sa naging pangako ni Vice President Sara Duterte bago pa man siya maupo bilang bise presidente at kalihim ng departamento. Kinumpirma umano ito ng Malacañang noong Enero 10. Sinabi raw nito na ilalabas ng DepEd sa Enero 30 ang revised curriculum ng K-12. Ayon sa video, tatanggalin na raw ang karagdagang dalawang taon ng senior high school at papalitan ito ng military service. Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 317,000 views at inilathalang muli sa Facebook. Ang katotohanan: Dahil nagkaroon ng K-12 na programa sa bisa ng Republic Act 10533, kinakailangan din ng panibagong batas upang mabuwag ito. At hindi sakop ng trabaho at kapangyarihan ng DepEd ang magpatupad ng batas dahil Kongreso ang may kakayahang gumawa nito ayon sa Saligang Batas. Ayon sa Artikulo 7 ng Kodigo Sibil ng Pilipinas kinakailangan ng panibagong batas upang mapawalang bisa ang isang batas. Wala pang batas ang naipatutupad upang buwagin ang RA 10533. Walang panukalang batas ang nakahain sa kasalukuyang Kongreso – maging sa Senado man o Kamara de Representantes – para sa nasabing layunin. Bukod dito, hindi rin ipinangako ni Sara Duterte na tatanggalin niya ang K-12 sa oras na maupo siya bilang bise presidente. Hindi rin kinumpirma ng Malacañang noong Enero 10 na papalitan na ng military service ang karagdagang dalawang taon ng senior high school, kaugnay ng revision ng DepEd sa K-12 curriculum. Hindi pa rin pinal ang ginagawang review sa nasabing curriculum kung kaya’t wala pang pinal na revision o pagbabago. Tanging updates sa ginagawang review lamang ang ibabahagi ng DepEd sa gaganaping Basic Education Report 2023 sa Enero 30. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software