About: http://data.cimple.eu/claim-review/8687e22e13b63377daba46629799835bc0f67b257559ea350a6edfe3     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nang dahil sa pagkilos noong EDSA 1986 o People Power Revolution, napabayaan ang mga pambansang unibersidad at nalaglag ang mga ito sa listahan ng mga pinakatanyag sa buong mundo. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan (ABKD) sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Nagsimula lang ang “listahan” para sa mga unibersidad sa buong mundo noong 2003, ang Academic Ranking of World Education (ARWU). Wala pa ang nasabing listahan noong panahon ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos at dating pangulong Corazon Aquino. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa 181,000 na views, 160,000 na shares, at 11,000 na komento ang naturang kasinungalingan. Mga detalye Ayon sa nag-viral na video sa Facebook mula sa page na “Buddy Gaming,” nalaglag sa “listahan” ng mga pinakatanyag na unibersidad sa buong mundo ang mga pambansang unibersidad sa Filipinas nang dahil sa pagkilos sa EDSA 1986 o People Power Revolution. Aniya, “Dahil sa EDSA 1986, napabayaan ang mga state universities [sic] sa Pilipinas na dati ay nasa listahan pa ng mga pinakatanyag na unibersidad sa mundo, subalit ngayon ay napag-iwanan na.” Ipinakita sa video ang larawan na may teksto na “WORLD UNIVERSITY RANKING 2007-2012” at “QS WORLD UNIVERSITY RANKINGS,” na naglilista ng ilang unibersidad. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Sa panahon ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. at dating pangulong Corazon Aquino, kapuwa wala pa ang Academic Ranking of World Education (ARWU) at “World University Rankings” ng Times Higher Education, na ngayon ay naglalabas ng ranggo ng mga unibersidad sa buong mundo. Ang Academic Ranking of World Universities (ARWU) – na nag-umpisa sa internal na pagsusuri sa kahusayan ng isang unibersidad sa Tsina kompara sa mga kakompetensiya nitong mga unibersidad – ay nagsimula lamang noong Hunyo 2003, sa tulong ng Shanghai Jiao Tong University sa Tsina. Samantala, ang orihinal na Times Higher Education Supplement (THES) – na siyang kumukuha ng datos mula sa Quacquarelli Symonds (QS) at siyang tinawag na THES-QS World University Rankings – ay nagsimula lamang noong 2004. Samantala, taong 2021 nakapasok sa top 100 ng 2021 Quacquarelli Symonds (QS) ang Unibersidad ng Pilipinas (UP), at 14 na iba pang unibersidad sa Pilipinas ang kasama sa top 687 ng naturang listahan. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software