About: http://data.cimple.eu/claim-review/8ce86c37764d048210f90a830135ab8265508b26e9807e7ca27a7313     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Sinusuportahan ng Makabayan bloc, partikular ng mga partidong Kabataan, Gabriela, at Alliance of Concerned Teachers (ACT), ang implementasyon ng mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC). Marka: MANIPULADONG LARAWAN Bakit kailangang i-fact-check: Ang post na naglalaman ng sabi-sabi ay nakakuha na ng 201 shares, 600 na komento, at 1,100 na reaksiyon. Ang katotohanan: Laman ng orihinal na litrato ang paghahain ng nasabing grupo sa nasabing petsa – kasama ang Kabataan at ACT sa Kamara – ng resolusyong naglalayong imbestigahan ang mga kaso umano ng human rights violation sa Batangas noong Hulyo. Ang mga katagang Defend Southern Tagalog, Justice for Kyllene Casao, at Justice for Maximo Digno ang orihinal na mga pahayag na nakalagay sa panawagan ng Makabayan bloc. Ang mga ito ay pinalitan sa manipuladong larawan na ikinakalat. Pagtuligsa sa panukala: Tinutulan na ng Gabriela ang mga panukala hinggil sa implementasyon ng ROTC, mula pa noong 2019, kung saan umabot sa ikatlong pagdinig sa Kamara ang panukalang batas na magpapatupad nito. Ani nila, kaakibat ng implementasyon ng nasabing programa ang korupsiyon at paglaganap ng iba’t ibang porma ng abuso lalo na sa kabataang kababaihan. Ipinahayag naman noong Agosto 17 ni Raoul Manuel, kinatawan ng partido ng Kabataan, ang pagtuligsa ng kanilang samahan sa mandatory ROTC, sa kadahilanang ito raw ay dagdag gastos, pabigat, panganib, at may dalang abuso. Habang sinabi naman ng ACT noong ika-26 ng Hulyo sa inilabas nilang pahayag na hindi ROTC ang sagot upang ikintal sa mga kabataan ang diwa ng nasyonalismo. Ani nila, ang kurikulum ng K-12 ang problema dahil pinahina nito ang pagtuturo ng Filipino at kasaysayan ng Pilipinas sa mga paaralan. – Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software