About: http://data.cimple.eu/claim-review/8d773dc20131e9a9f42b132e3364e268ed12148993aa934ce1bcae68     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Sabi-sabi: Sa oras na mabawi ng kanyang panig mula sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang yaman niya at mga gintong ipinahiram umano niya sa iba’t ibang mga bansa, makikinabang daw ang Pilipinas, ayon sa huling habilin at testamento ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Sinabi sa video na pinamagatang, “Dahilan Kung Bakit Pinahiram ni Marcos ang Kanyang Mga Ginto | Marcos Gold” ang sumusunod: “Tunay na matalinong lawyer at investor ang yumaong dating pangulong Marcos. Ginamit niya pangangailangan ng mga bansa para sa world market upang gawing investment opportunity na lumago ang kaniyang yaman na siya namang nakaplanong gamitin sana para sa ating bansa, na kung hindi lang sa pumipigil noon ay siyang tiyak na sana pakikinabangan ng ating bansa ngayon.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Walang katapusan ang pagpapakalat ng mga sabi-sabing matagal nang napatunayang hindi totoo hinggil sa umano’y ginto at yaman ng pamilyang Marcos na hinabilin daw para sa pamilyang Pilipino. Ang katotohanan: Sa huling habilin at testamento ni Marcos, walang pagbanggit ng sambayanang Pilipino, sabi-sabing mga ginto at nakalululang yaman, maging ng PCGG. Sa halip, ang pagbabayad lang ng kanyang utang, pagpapalibing, at mga buwis ang unang binanggit sa kanyang testamento. Pinangalanan din ang mga iniwan niyang kinatawan para tumupad sa habiling ito: ang kabiyak na si Imelda Marcos at ang anak na ngayo’y Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Gayun din ang mga magmamana ng kanyang mga ari-ariang hinati sa kanyang asawa at apat na anak – Marcos Jr., Imee, Irene, at Aimee. Walang pagbanggit sa sambayanang Pilipino. Maka-ilang ulit (parang sirang plaka lang) na pinatunayang imposible ang sinasabing yaman at gintong mayroon daw ang pamilyang Marcos. Ilang beses na ring napatunayang hindi pinamanahan, inuulit namin, hindi pinamanahan, ng dating pangulo ang sambayanang Pilipino. Ilan sa mga ito ang sumusunod: - FALSE: Marcos family owns ‘$2 quadrillion’ worth of gold - FALSE: Marcos family owns a ‘million tons of gold’ - HINDI TOTOO: Nagmamay-ari ng ‘milyong tonelada ng ginto’ ang pamilyang Marcos - From fringe to mainstream: Tracing the myth of the Marcos gold online - FACT CHECK: Imposible ang 1 bilyong toneladang ginto, 1 milyong toneladang platinum ni Marcos - Hindi totoong mayroong 607,000 toneladang ginto ang mga Marcos (rappler.com) - Walang iniwan na trust fund si Ferdinand Marcos para sa sambayanang Pilipino - Marcos’ last will did not state that his wealth would be used for nat’l programs – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software