About: http://data.cimple.eu/claim-review/94971512f8c02a2ade84835626adca0d7a37498b85938e2e753d846b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ayon sa SunStar Cebu, magkakaroon ng lockdown sa buong probinsya ng Cebu mula Lunes, Marso 29, 2022. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang litrato na naglalaman ng sabi-sabing ito ay lumang anunsiyo ng SunStar Cebu tungkol sa lockdown sa probinsiya ng Cebu noong Marso 27, 2020. - Bakit kailangan i-fact-check: Kumakalat ngayong 2022 ang repost ng lumang anunsiyo. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 3,600 reaksiyon, 5,300 shares, at 6 na komento ang post na ito. Mga detalye Mula Marso 27, 2022, mabilis na kumalat ang isang post sa Facebook na nagsasabing isasailalim ang probinsiya ng Cebu sa lockdown mula Marso 29, 2022, ayon daw sa pahayagang SunStar Cebu. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang higit sa 3,600 reaksiyon, 5,300 shares, at 6 na komento ang post na ito. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Dalawang taon nang luma ang balita. Ang ginamit na litrato sa post na naglalaman ng sabi-sabing ito ay mula sa SunStar Cebu, na ginawa noong unang anunsiyo ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic noong Marso 27, 2020. Walang anunsiyo ng lockdown sa probinsiya ng Cebu nang isulat ang fact check na ito ngayong Marso 2022. Ang Cebu City ay kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1, habang ang Lapu-Lapu City at ang kabuuang probinsiya ng Cebu ay nasa ilalim ng Alert Level 2, ayon sa opisyal na website ng Mactan-Cebu International Airport. Alamin ang mga ibang probinsiya at lungsod sa Pilipinas na kasalukuyang nasa ilalim ng Alert Level 1 dito. – Sofia Guanzon/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software