schema:text
| - SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
Buod
- Ang sabi-sabi: Ang pinturang pink sa Masjid Dimaukom sa Maguindanao ay para raw kay Bise Presidente at kandidato para sa pagkapangulong si Leni Robredo.
- Marka: HINDI TOTOO
- Ang katotohanan: Kulay pink na ang Masjid Dimaukom o “Pink Mosque” bago pa man tumakbo si Robredo. Ito ang paboritong kulay ng asawa ni Dimaukom na sumisimbolo sa pagmamahal at kapayapaan.
- Bakit kailangan i-fact-check: Nakita ang sabi-sabi sa isang post noong Pebrero 11 ng Facebook page na “Sa Masa Tayo.” Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 370 reaksiyon, 30 komento, at 40 shares ang post.
Mga detalye
Isang post noong Pebrero 11 mula sa Facebook page na “Sa Masa Tayo” ang nagsabing ang pinturang pink sa Masjid Dimaukom sa Maguindanao ay para raw kay Bise Presidente at kandidato para sa pagkapangulong si Leni Robredo.
Sabi ng Facebook post: “[ DA CELESTINE ] PINK MOSQUE SA MAGUINDANAO! A SHOW OF STRONG SUPPORT FOR VP LENI ROBREDO AND PARTY! MARAMING SALAMAT PO! GRAPHIC CTTO.”
Nang isulat ang fact-check na ito, mayroon nang mahigit 370 reaksiyon, 30 komento, at 40 shares ang post.
Hindi totoo ang sabi-sabing ito.
Ayon sa opisyal na website ng pamahalaang panlalawigan ng Maguindanao, itinayo ang Masjid Dimaukom o “Pink Mosque” sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, noong 2014, hindi pa man kumakandidato si Robredo bilang pangulo. Hindi pa nga noon kandidato si Robredo bilang pangalawang pangulo.
Ipinatayo ito ni dating mayor Samsodin Dimaukom. Kulay pink ang paboritong kulay ng asawa ni Dimaukom na ang ibig sabihin ay pagmamahal at kapayapaan.
Pink ang kulay na gamit ni Robredo para sa kanyang kampanya bilang presidente ngayong 2022. ([WATCH] Yellow out, pink is in: Robredo runs for president as an independent) – Owenh Toledo/Rappler.com
Si Owenh Toledo ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact-check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor.
Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact-check chatbot. Sa bawat fact-check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon.
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
|