About: http://data.cimple.eu/claim-review/a6683229008bb1691d1286d00a7a9eb8eba70e61ee35a277c52113bc     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: May naunang asawa na miyembro ng New People’s Army (NPA) na sinamahan si Bise Presidente Leni Robredo noong 15 taong gulang pa lamang siya. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Sinabi ni Robredo sa isang post na imposible ang sabi-sabi dahil kailanman ay hindi siya nag-leave of absence sa pag-aaral at nakapagtapos siya ng pag-aaral sa tamang oras. - Bakit kailangan i-fact-check: Ipinadala sa Rappler sa email ang sabi-sabi upang ma-fact-check. Mga detalye Isang post na kumakalat sa Facebook at TikTok ang nagsasabi na si Bise Presidente Leni Robredo ay ikinasal sa isang miyembro ng New People’s Army (NPA) bago niya naging asawa ang ngayon ay yumao nang si interior secretary Jesse Robredo. Sinasabi sa post na ang impormasyon ay nagmula sa taong nagngangalang Nikol Thursby. Ayon daw kay Thursby, si Robredo ay ikinasal sa isang miyembro ng NPA na mula sa Cebu. Iniwan daw ni Robredo ang kaniyang pamilya para makasama ang kaniyang unang asawa. Sinabi rin ni Thursby na ang umano’y asawa ni Robredo ang isa sa mga nasawi sa engkuwentro ng NPA at sundalo ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Sa ibang bersiyon ng kuwento na kumakalat sa social media, sinabi pa na pinakasalan ni Robredo ang lalaki noong siya ay 15 taong gulang pa lang. Sa isa pang bersiyon, may anak daw si Robredo sa lalaking ito na itinago na. Ipinadala sa Rappler sa email ang sabi-sabi upang ma-fact-check. Hindi totoo ang ano mang bersiyon ng sabi-sabing ito. Sa isang post ni Robredo noong Marso 13, pinasinungalingan niya ang kumakalat na kuwento sa social media at ipinaliwanag kung bakit imposible itong mangyari. “15 years old? 3rd year high school palang ako niyan. Lahat na high school classmates ko at college classmates ko can attest na never akong nag leave of absence at grumadweyt ako on time at the age of 21. Sa dormitory ako sa loob ng UP tumira for 4 years,” sabi ni Robredo sa post. Ayon sa website ng Office of the Vice President (OVP), nagtapos ng hayskul si Robredo noong 1982, at 1986 naman nang matapos niya ang kaniyang economics degree sa University of the Philippines (UP). Nagpakasal si Leni at si Jesse – ang tunay at nag-iisa niyang asawa – noong Hunyo 1987, isang taon pagkatapos nilang makilala ang isa’t-isa. Namatay si Jesse Robredo sa isang plane crash noong Agosto 2012. Si Leni Robredo ay naging congresswoman noong 2013 at nahalal na bise presidente noong 2016. Kasalukuyan siyang tumatakbo sa pagkapangulo sa eleksiyon sa Mayo 2022. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software