About: http://data.cimple.eu/claim-review/a6ee1f8d125b1355ec2aa008b3d881327dfb50b1603b8bfbd7f0f10b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Nasibak si Regine Velasquez bilang host ng morning talk show sa Kapamilya Channel na Magandang Buhay. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng OneNews sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Pansamantala lamang nawala ang mang-aawit at aktres sa naturang morning talk show dahil kinailangan niyang maghanda sa katatapos lang na konsiyerto nila ni Sharon Cuneta noong Hunyo 17 at 18. - Bakit kailangang i-fact-check: Ang naturang kasinungalingan ay ipinaskil sa ilang social media sites, at pilit binibigyan ng malisyoso’t politikal na kahulugan. Umani na ng 1,800,000 views sa Facebook ang naturang video nang isinulat ang fact check na ito. Mga detalye Sa isang malisyosong paskil ng “Top Artist Scoop” sa Facebook, idiniin ang umano’y pagkasibak ni Regine Velasquez mula sa Kapamilya morning talk show na Magandang Buhay. Ayon dito, maaaring nasibak si Velasquez sa trabaho dahil sa pagiging palpak nito bilang guest co-host. Mababasa rin sa caption ng nasabing video, na ngayon ay umani na ng mahigit isang milyong views, ang katagang, “Nakarma na! Regine Velasquez Sinibak sa Magandang Buhay Nagresulta na ang Pagmaliit kay BBM!” Hindi totoong nasibak si Regine Velasquez sa trabaho. Sa opisyal na Instagram ng Magandang Buhay, inanusiyo ang pansamantalang pagkawala ng mang-aawit at aktres sa programa upang makapaghanda sa konsiyerto nito kasama si Sharon Cuneta noong Hunyo 17 at 18. Sa ngayon, humahalili ang aktres na si Judy Ann Santos bilang guest co-host ng Magandang Buhay. Nitong nagdaang eleksiyon, nangampanya si Velasquez at ang kabiyak nitong singer na si Ogie Alcasid para kay Bise Presidente Leni Robredo – dahilan upang atakihin ang mang-aawit ng ilang trolls. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software