About: http://data.cimple.eu/claim-review/a7ffd3e4e9faad20f6bfea37be5fba597557f053e2c664c86ff14a3c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Hindi ibinalita ng midya ang pagdalo ni dating senador at ngayon ay kandidato sa pagkapangulo at na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdating ng mga labi ng 42 sa 44 na nasawing pulis na kasapi ng Special Action Force, na mas kilala sa tawag na “SAF 44,” sa Villamor Airbase noong Enero 29, 2015. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Nabanggit ng iba’t-ibang sources, kabilang na ang ilang outlets ng midya, ang presensiya ni Bongbong Marcos sa okasyong iyon. - Bakit kailangang i-fact-check: Nakita ang sabi-sabi sa isang post na ginawa noong Oktubre 13 sa Facebook page na “Bongbong Marcos Supporters.” Ang post ay mayroon nang humigit-kumulang sa 62,000 na reaksiyon, 4,900 na komento, at 25,000 shares nang isinulat ang fact check. Napag-alaman din gamit ang CrowdTangle na kumakalat ang post na ito sa iba pang Facebook pages. Mga detalye Isang post noong Oktubre 13 sa Facebook page na “Bongbong Marcos Supporters” ang nagsasabing hindi ibinalita ng midya ang presensiya dating senador at ngayon ay kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdating noong Enero 29, 2015, sa Villamor Airbase ng labi ng 42 sa 44 na nasawing pulis na kasapi ng Special Action Force (SAF). Matatandaang 44 na pulis ay nasawi sa engkuwentro laban sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, isang bayan sa Maguindanao. Tinagurian silang “SAF 44.” Nauna nang mailibing ang dalawang biktima kaya 42 na labi na lamang ang inilipad pa-Maynila. (BASAHIN: TIMELINE: Mamasapano clash) Ito ang sabi sa post: “Hindi po kami nagpapalaganap ng fake news. Andito po siya (Bongbong Marcos) nong kasagsagan ng saf 44..syempre di ibabalita ng media yan.” Kasama sa post ang ilang larawan kung saan makikita si Marcos sa okasyon. Nang isinulat ang fact-check, ang post ay nakapagtamo na ng humigit-kumulang sa 62,000 na reaksiyon, 4,900 na komento, at 25,000 shares. Napag-alaman din gamit ang CrowdTangle na kumakalat ang post na ito sa iba pang Facebook pages, kabilang ang “LABAN PINAS,” “LABAN PINAS 2,” at “DU30 Media Network.” Hindi totoo ang pahayag na walang ulat ang midya na nagbanggit ng presensiya ni Marcos sa seremonyang ito. May mga balita galing sa iba’t-ibang outlets ng midya na binanggit ang presensiya ni Marcos, kasama ang iba pang mga panauhin. Kabilang dito ay ang mga sumusunod na artikulo: - “42 PNP-SAF slain in Mamasapano clash given arrival honors at Villamor Air Base,” GMA News, Enero 29, 2015 - “Aquino no-show at arrival honors for SAF troopers, goes to car plant,” The Philippine Star, Enero 29, 2015 - “Aquino ‘no show’ in rites for commandos,” The Manila Times, Enero 29, 2015 - “Wailing, weeping, anger as fallen heroes arrive,” Inquirer.net, Enero 30, 2015 - “What saddened Bongbong during SAF arrival honors,” ABS-CBN News, Pebrero 6, 2015 May artikulo rin ang Rappler na nagbanggit ng presensiya ni Marcos sa pangyayaring iyon. (BASAHIN: Hero’s welcome: Slain PNP-SAF back home) Ipinakita rin sa isang Twitter post ng ABS-CBN News Channel o ANC noong Enero 29, 2015, na nagbigay-pugay si Marcos sa mga labi ng mga kasapi ng SAF, at isang photo release ng Senado noong Nobyembre 10, 2015, ang nagpakita ng pakikiramay niya sa mga pamilya ng nasawi. Matatandaang hindi nagpakita ang noon ay pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagsalubong sa mga labi ng 42 na nasawing SAF members sa sa Villamor Airbase. Sa halip, dumalo si Aquino sa inagurasyon ng isang planta ng Mitsubishi, bagay na pinuna ng netizens. Dumalo naman si Aquino sa necrological services na idinaos isang araw pagkatapos, noong Enero 30, 2015. (BASAHIN: Aquino skips welcome honors for slain cops; Aquino pays tribute to PNP SAF 44) – Percival Bueser/Rappler.com Si Percival Bueser ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software