About: http://data.cimple.eu/claim-review/a968aa5c7bef0417835b12b9dcf28ef4ba536ce1fbf22cc59e2e3c61     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Mismong mga guro na miyembro ng ACT Teachers Party-List ang nagrerekrut sa kanilang mga estudyante para maging miyembro ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan (ABKD) sa kanilang fact-check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Kinikilala ng Commission on Elections (Comelec) ang ACT Teachers party-list group. Walang matibay na batayan ang paratang na nagrerekrut ang grupo ng mga estudyante upang maging kasapi ng CPP-NPA-NDF. - Bakit kailangang i-fact-check: Bukod sa umabot na sa 13,000 na views ang bidyo na may sabi-sabing ito, ilang inosenteng buhay na ang nawala at patuloy na nanganganib sa walang habas na red-tagging sa bansa. Mga detalye Sa isang nag-viral na Facebook post ni Relissa Santos Lucena, ina ng aktibistang si Alicia Lucena at ang nagsampa ng reklamo laban sa grupong Anakbayan noong 2019, pinangalanan niya ang ACT Teachers Party-List bilang rekruter ng mga estudyante para maging bahagi umano ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, at National Democratic Front (CPP-NPA-NDF). (BASAHIN: DOJ junks kidnapping, war crimes suit against activists in student recruitment case) Aniya, ang “mismong mga guro o propesor” na miyembro ng ACT Teachers Party-List ang nagsisilbing rekruter para sa tinaguriang “Communist Terrorist Groups.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Ang ACT Teachers Party-List ay isang miyembrong organisasyon sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 7941 o Party-List System Act. Kinikilala rin ang naturang party list ng Commission on Elections (Comelec). Nakapagpanalo ng isang kinatawan ang ACT Teachers Party-List sa eleksiyon ng mga party list na grupo noong 2019. Samantala, dalawang kinatawan naman ang naipanalo nila noong eleksiyon ng 2016. Para sa darating na eleksyon ngayong 2022, nasa pinal na listahan din sila ng Comelec ng mga tatakbong party list Sa Section 6 ng Party-List System Act, hindi pinapahintulutan ang “pagsusulong ng karahasan o ang pagkakaroon ng iligal na paraan upang makuha ang layunin [ng mga miyembrong organisasyon].” Kaugnay nito, nilinaw ng kinatawan ng ACT Teachers Party-List na si France Castro na ibinasura na “sa piskalya pa lang” ang mga kasong child trafficking at kidnapping laban sa kanila noong 2018. Aniya, walang mahanap na probable cause ang prosecutor para sa mga naturang kaso. Ayon ito sa inquest resolution mula sa Office of the Provincial Prosecutor ng Tagum City, Davao del Norte. (BASAHIN: Makabayan condemns ‘illegal’ arrest of Satur Ocampo, France Castro) Sa amended information mula sa Tagum Regional Trial Court, makikita na ang natitirang kaso na lamang na ihinabla sa kanya at sa iba pang akusado ay ang umano’y paglabag sa RA 7610, Article VI, Section 10(a), o, sa madaling sabi, child abuse. (BASAHIN: FALSE: France Castro, Satur Ocampo sentenced to death for child abuse) Dahil sa pagpapalit ng hukom, sa susunod na Agosto pa ang inaasahang pagdinig ng korte ukol sa natitirang kaso. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com kasama ng Akademiya at Bayan Kontra Disimpormasyon at Dayaan (ABKD). Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact-check chatbot. Sa bawat fact-check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software