About: http://data.cimple.eu/claim-review/ae50a5eefd882125e0b0dec572e610b48eb2f7f6e28acb58215abe40     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Hindi dapat gumamit ng tubig ang mga nagrereklamo laban sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, dahil siya ang nagpagawa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). - Marka: KULANG SA KONTEKSTO - Ang katotohanan: Bagama’t inilikha ang MWSS sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 6234 ng administrasyong Marcos, pinalitan lamang nito ang umiiral nang sistema sa patubig na National Waterworks and Sewerage Authority (NAWASA). Sa ilalim ng RA No. 6234, itinakda ang pag-alis sa NAWASA at paglipat ng mga rekord, ari-arian, kasangkapan, karapatan, obligasyon, at iba pang kaugnay na bagay mula sa nasabing korporasyon patungo sa MWSS. - Bakit kailangang i-fact-check: Mayroon nang 1,800 na nagbigay ng reaksiyon, 298 na nagbahagi, at 1,000 na nag-iwan ng komento sa naturang kasinungalingan. Mga detalye Pinasaringan ng isang paskil sa Facebook ang mga umano’y nagagalit sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, ngunit patuloy namang gumagamit ng mga “ipinagawa” nito. Pahayag nito sa mga patuloy na namumuna sa diktador, “wag kayo gumamit ng tubig MWSS.” Dagdag pa nito, “Kung galit kayo [i-boycott ninyo] lahat ng mga proyekto ni Marcos, ewan ko na lang kung mabuhay pa kayo.” Kulang sa konteksto ang pahayag na ito. Bagama’t nabuo ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa ilalim ng administrasyong Marcos, mayroon nang umiiral na sistema ng patubig at pinalitan lamang ng MWSS ang pangalan ng National Waterworks and Sewerage Authority (NAWASA). Noong 1971, sa ilalim ng Republic Act. No. 6234, itinakda ang pag-alis sa NAWASA at paglipat ng mga rekord, ari-arian, kasangkapan, karapatan, obligasyon, at iba pang kaugnay na bagay mula sa nasabing korporasyon patungo sa MWSS. Dekada ’90, sa paniniwala ng dating presidenteng Fidel Ramos na mas mainam na ipasa ang responsibilidad ng sistema ng patubig sa pribadong sektor, ipinasa ang Republic Act 8041, o “An Act to Address the National Water Crisis and For Other Purposes,” na siyang naging tulay sa tuluyang pagsasapribado ng MWSS. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software