About: http://data.cimple.eu/claim-review/b8b0c536abe5560728c7e1e2b11d885537fdd9a9d566a7adfa7cdc36     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Sa mga kasong isinampa sa pamilyang Marcos wala ni isang naipanalo ang PCGG. Sinabi sa video: “Ang gagawin ng PCGG na kinukuha ang yaman ng mga Marcos at ipapangalan nila bilang mga yaman na nakaw ng mga Marcos sa kaban ng bayan, ngunit pagdating sa kataasan-taasang hukuman ay bigo na mapatunayan ito.” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-factcheck: Ang video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 1,206,316 views na sa YouTube. Ang katotohanan: Napatunayan ang pagnanakaw at pandarambong ng pamilyang Marcos sa naging desisyon ng mga korte sa Pilipinas kaugnay ng mga kasong isinampa ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) laban sa nasabing pamilya. Mga kasong naipanalo ng PCGG: Ang mga sumusunod ang mga naipanalong kaso ng PCGG kontra sa pamilyang Marcos: - Pagbawi sa $658-milyong Swiss deposits na idineklarang ill-gotten ng Sandiganbayan na pinaboran ng Korte Suprema noong Hulyo 2003. - Pagbawi sa $3-milyong ari-arian ng Arelma, kompanyang itinayo sa Amerika ng dating pangulong Ferdinand E. Marcos. Idineklara ng PCGG na ginamit ang naturang kompanya upang pagtaguan ng mga nakaw na yaman. Sinang-ayunan ito ng Sandiganbayan noong 2009 at ng Korte Suprema noong 2012. - Nabawi rin mula sa pamilyang Marcos ang Malacañang Collection, koleksiyon ng mga alahas, noong 2017, at mga art collection noong 2019, na parehong idineklara ng Sandiganbayan bilang mga nakaw na yaman. – Ailla Dela Cruz/ Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software