About: http://data.cimple.eu/claim-review/bbbbc5ad517023ac8127311650dbb0cf3562f388b546bde348ab4e38     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Lumago ang ekonomiya ng bansa pagkatapos manalo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa eleksiyon na naganap noong Mayo 9. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang kinalaman ang paglago ng ekonomiya sa pagkapanalo ni Marcos Jr. sa pagkapangulo. Ang paglago ng ekonomiya ay naganap noong first quarter ng 2022 habang ang eleksiyon ay naganap noong Mayo 9 na bahagi ng second quarter. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 1,600 reaksiyon, 194 komento, 23,147 views ang video sa YouTube. Mga detalye Isang video noong Mayo 14 ng YouTube channel “Showbiz Fanaticz” ang nagsasabi na lumago ang ekonomiya ng bansa pagkatapos manalo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa eleksiyon na naganap noong Mayo 9. Ang video ay may pamagat na “Matapos Manalo Sa Pagkapangulo Ni Bbm| Ekonimiya Ng Bansa Tumaas Na| Leni, Dapat Lang Hindi Nanalo!” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 1,600 reaksiyon, 194 komento, 23,147 views ang post sa YouTube. Hindi totoo na lumago ang ekonomiya pagkatapos ng eleksiyon. Ang 8.3% na paglago ng ekonomiya na ibinalita ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Mayo 12 ay naitala sa first quarter ng 2022 mula Enero hanggang Marso. Ang buwan ng Mayo, kung kailan naganap ang halalan pati na ang bilangan ng boto, ay bahagi ng second quarter na mula Abril hanggang Hunyo. Gaya ng report nito para sa first quarter, ilalabas ng PSA ang report para sa second quarter sa susunod na quarter. Nilagpasan ng ekonomiya ng bansa ang paglago na inaasahan ng Bloomberg at BusinessWorld para sa first quarter ng taon. Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua, ang paglago ng ekonomiya ng bansa ay bunsod ng mas maluwag na quarantine restrictions. Bagaman maganda ang naitalang kondisyon ng ekonomiya para sa first quarter ng taon, nagbabala pa rin ang mga ekonomista na ang second quarter ay haharap sa mga problemang makaaapekto sa paglaki at pagbangon ng ekonomiya ng bansa, gaya ng inflation, stagflation, twin deficit, high public debt, at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine. Ilan sa mga namumuhunan sa bansa ay nagpahayag na sila ay nangangamba sa pagkapanalo ni Marcos Jr. Kaagad din bumaba ang Philippine Stock Exchance index pagkatapos ng halalan noong Mayo 9 nang lumabas nang malaki ang lamang ni Marcos Jr. sa bilangan. Ang mga media stock ang nakaranas ng pinakamalaking pagbaba ng halaga pagkatapos manalo ng anak ng diktador na nagpasara ng media companies noong panahon ng Martial Law. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software