About: http://data.cimple.eu/claim-review/bc8c285efac99b2e1aac6af2c5959ee6503b863518ddaacf97170c78     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Planong dayain ng Comelec si Ferdinand Marcos Jr. kaya walang pinapayagang magbantay sa pag-iimprenta ng mga balota. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Hindi pinayagan ng Comelec noong una ang mga tagamasid sa pag-iimprenta ng mga balota dahil sa mga restriksiyon dahil COVID-19 pandemic. Kalaunan, ang Comelec ay nagsagawa ng random ballot inspection at nagbukas ng livestream habang nag-iimprenta ng mga balota sa National Printing Office. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 811,000 views, 12,000 komento, at 34,000 reaksiyon sa bidyo. Mga detalye Kumakalat ang bidyo ng Facebook account na “Philippines New Presidente 2022” – na may profile picture ni Pangulong Rodrigo Duterte at presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na nagsasabing planong dayain ng Commission on Elections (Comelec) si Marcos sa pag-imprenta ng mga balota. Makikita sa bidyo si Anthony “Tunying” Taberna, na nagsasabing ang hindi pagpayag ng Comelec sa magkaroon ng mga tagamasid sa pag-iimprenta ng mga balota ay baka pagmulan ng pagdududa ng mga tao sa resulta ng darating na eleksyon. Nakasaad din sa caption ng bidyo: “NAG-IMPRENTA NG BALOTA NATUKOY NA? BBM PLANONG DAYAIN!” Walang pruweba na may balak ang Comelec na dayain si Marcos sa darating ng eleksiyon. Ayon sa Comelec, hindi nila pinayagan noong una ang mga tagamasid sa pag-iimprenta ng mga balota dahil sa mga restriksiyon dahil COVID-19 pandemic. Nagsimula ang pag-imprenta ng mga balota noong Enero 2022. Noong Marso 24, upang tugunan ang hiling ng marami para sa karagdagang transparency, nagsagawa ng random ballot inspection ang komisyon – ang unang pagkakataon na ginawa nila ito. Kinilala naman ni Commisioner George Garcia na marami pa ring kailangang gawin ang Comelec para makuha ang tiwala ng mga botante. Iba’t ibang accredited citizen groups at political parties ang namili at nag-inspect ng mga balota para busisiin ang kalidad at security features ng mga ito. Ininspeksiyon din nila ang vote counting machines para tingnan kung gagana ang mga ito. Idinagdag ni Garcia na walang naging problema sa nangyaring inspeksiyon. Nagdagdag din ang Comelec ng livestream ng pag-imprenta ng mga balota sa National Printing Office. – Renzo Arceta/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software