About: http://data.cimple.eu/claim-review/c0fbb4600147a682a728cca492b5fb6d31419068d19b811469400d69     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ang Meralco, na pagmamay-ari ng mga Lopez, ay ipinagkatiwala sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Napilitan si Eugenio Lopez Sr. na ibenta ang Meralco sa ilalim ng diktadurang Marcos kapalit ng kalayaan ng kaniyang anak na si Eugenio “Geny” Lopez Jr. - Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, umabot na sa 6.5 milyong views, 104,000 na reaksiyon, at 16,000 na komento ang ipinapakalat na kasinungalingan ng Aga Anchenta vlog. Mga detalye Sa isang bidyong pinamagatang “Bakit nga ba wala ito sa aklat ng kasaysayan?” na umabot na sa 6.2 milyong views sa Facebook nang isulat ang fact check na ito, iginiit ng Aga Ancheta vlog na “ipinagkatiwala” noon ng pamilya Lopez ang Meralco, ang pangunahing distributor ng kuryente sa bansa, sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Ayon sa bidyo, ang “pagkalugi” ng Meralco ang sanhi nito. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Sa isang artikulong isinulat noong 2002, itinulad ni Oscar Lopez, dating tagapangulo ng Lopez Group of Companies, sa “kidnap-for-ransom” ang nangyaring paglipat ng Meralco sa administrasyong Marcos. Aniya, ibinenta ng amang si Eugenio Lopez Sr. ang Meralco kapalit ng kalayaan ng anak na si Eugenio “Geny” Lopez Jr. Napilitan si Lopez Sr. na tanggapin ang “P10,000” na downpayment para sa kabuuang halagang P150,000,000 ng nasabing distributor ng kuryente. Idinetalye rin sa artikulong nailathala ng Cambridge University Press ang ginawang pagpiit ni Marcos kay Lopez Jr. dahil umano sa pagkakasangkot ng huli sa “assassination plot” laban sa presidente. Ibinenta ni Lopez Sr. ang Meralco sa Meralco Foundation Inc., na inorganisa ng nakababatang kapatid ni Imelda Marcos na si Benjamin “Kokoy” Romualdez, dahil sa pangako ng yumaong diktador na palalayain nito ang kanyang anak kapalit ng pinakamalaking distributor ng kuryente sa bansa. Sa kabila ng pagsamsam ng Marcos sa Meralco at sa iba pang ari-arian ng mga Lopez, kagaya ng The Manila Chronicle at ABS-CBN, napako ang pangako ng diktador na palayain si Lopez Jr. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software