About: http://data.cimple.eu/claim-review/c1ec697bc5387f4f26cfd6f96f30d57c63f11216cb91e7195036787a     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Ginawang legal ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang pagnanakaw ni dating pangulong Corazon “Cory” Aquino sa mga yaman ng pamilyang Marcos. Nakalagay sa teksto ng video ang sumusunod: “PCGG! Ginawang legal sa pagnanakaw ni Cory Aquino para nakawin ang mga yaman ng pamilyang Marcos. Nasaan na ang mga nakulimbat nila sa mga Marcos?” Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Sa kasalukuyan, ang TikTok post na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroong 10,500 na views, 571 na likes, at 107 na mga komento. Ang katotohanan: Itinatag ang PCGG upang bawiin ang mga “ill-gotten” o mga nakaw na yaman ni dating pangulong Ferdinand Marcos at ng kanyang pamilya, maging ng kanyang mga kamag-anak at mga tauhan. Ayon sa Executive Order No. 1, s.1986, mandato ng PCGG ang pagbawi sa mga nakaw na yaman, imbestigasyon sa mga kaso ng korupsiyon, at pagtitiyak na hindi na mauulit at maiiwasan ito. Napatunayang nakaw ang mga naitalang nabawing yaman ng PCGG mula sa mga Marcos kabilang ang $658-milyong Swiss bank deposits, $3.37-milyong itinago sa Arelma Inc., $153,089 na halaga ng alahas, at $24-milyong halaga na art collection. Kinapuntahan ng naibalik na yaman: Inulat ng PCGG sa kanilang 2021 Accomplishment Report na noong natapos ang 2021 ay naibigay na sa Bureau of Treasury ang P175 bilyon sa perang nabawi. Ang bilyong halaga ay ginamit upang suportahan ang mga magsasaka at biktima ng human rights violations, at naging pondo para sa Coco Levy Fund. Ayon sa ulat ng PCGG sa pagdinig ng committee on justice sa House of Representatives noong ika-24 ng Agosto, 2022, nasa P265 bilyon ang kabuuang yaman na nabawi mula sa mga Marcos at P125 bilyon pa ang maaaring mabawi mula sa kasalukuyang 87 kasong nakahain. – Micah Gonzales/Rappler.com Si Micah Gonzales ay isang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software