About: http://data.cimple.eu/claim-review/c4e81ab53ad73f3a2ec9b89332d81eda3bade8e9fe1c932c3ef8d994     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Hindi kasama si Apollo Quiboloy sa listahan ng “most wanted” ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng gobyerno ng Amerika. - Marka: HINDI TOTOO. Sumasang-ayon ang Rappler sa markang “Hindi Totoo” na nauna nang ibinigay ng Altermidya sa kanilang fact check sa sabi-sabing ito. - Ang katotohanan: Noong Enero 31, isinama ng FBI si Quiboloy sa kanilang listahan ng mga “most wanted” o mga pinaghahanap na suspek o kriminal. Isinama si Quiboloy sa listahan na ito dahil iniimbestigahan siya para sa mga krimen tulad ng sex trafficking, fraud, smuggling, at iba pa. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 288 na reaksiyon, 52 na komento, at 32 na share ang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa Facebook. Mga detalye Mula Abril 14, kumalat ang isang post sa Facebook na naglalaman ng sabi-sabing hindi kasama sa listahan ng “most wanted” na kriminal ng Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Estados Unidos. Ayon sa post: “A politically motivated case was filed against Pastor Q in the US, but it is NOT..NOT..NOT tantamount to say that the good Pastor Q is already a fugitive or the FBI’s most-wanted list. Far from that.” (Kinasuhan si Pastor Q sa US dahil sa mga rason na may kinalaman sa pulitika, pero HINDI, HINDI, HINDI ito nangangahulugang ang mabuting Pastor Q ay isang kriminal na tumatakbo, o nasa listahan ng most wanted ng FBI. Ang layo nito sa katotohanan.) Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 288 na reaksiyon, 52 na komento, at 32 share ang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Noong Enero 31, naglabas ang FBI ng poster ni Quiboloy sa kanilang opisyal na website. Isinama ito sa listahan ng itinuturing nilang “most wanted” na tumatakbo o hindi pa nadarakip. Nakalagay sa post ang mga krimen na ibinibintang kay Quiboloy, kabilang ang mga sumusunod: sex trafficking, fraud, smuggling, at iba pa. Ayon din sa post na ito, nakasuhan si Quiboloy dahil sa pulitika, at hindi dahil siya ay napatunayang kriminal. Hindi rin totoo ang sabi-sabing ito. Noong Pebrero 8, naglabas ng pahayag ang embahada ng Estados Unidos kung saan tinatanggi ang mga sabi-sabing ito. Ayon sa kanilang pahayag: “The FBI’s release of a wanted poster for Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy follows a multi-year effort by law enforcement. It is unrelated to the Philippines’ ongoing presidential election campaign.” (Ang pagpapalabas ng wanted poster para sa tagapagtatag ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy ay nakabase sa imbestigasyong isinagawa nang ilang taon ng mga nagpapatupad ng batas. Wala itong kinalaman sa kasalukuyang nagaganap na eleksiyon para sa pagkapangulo ng Pilipinas.) – Sofia Guanzon/Rappler.com kasama ng Altermidya Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software