About: http://data.cimple.eu/claim-review/c59c9ff786bf0572dbc41848313ce3f47b46fa7feb3cd3b792c14ab3     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ngayong 2022 lang ulit nakapagpalipad ng sasakyang panghimpapawid ang Philippine Air Force (PAF) simula ng matapos ang rehimen ni dating pangulong Ferdinand E. Marcos. - Marka: HINDI TOTOO. - Ang katotohanan: Aktibo at palaging nagpapalipad ng mga sasakyang panghimpapawid ang PAF. Ang mga sasakyang panghimpapawid nito ay ginagamit sa iba’t-ibang operasyon, pagdiriwang, at seremonya sa loob ng 36 na taon mula nang matapos ang rehimeng Marcos hanggang sa kasalukuyan. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot sa mahigit 182,400 na reaksiyon, 2,059 na komento, at 1,300,000 na views ang post na naglalaman ng sabi-sabing ito sa TikTok. Mga detalye Isang post noong Hunyo 12, ng TikTok user “@queenthings8” ang nagsasabing ngayon lamang muli nakapagpalipad ng sasakyang panghimpapawid ang Philippine Air Force (PAF) simula ng matapos ang rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Hindi ito totoo. Dokumentado at maaaring makita ng publiko sa koleksiyon ng mga publikasyon ng PAF ang mga operasyon ng puwersa sa loob ng maraming taon. Ilan lamang sa mga kilalang wing unit ng PAF ay ang Blue Diamonds na aktibo hanggang 2005, at ang 15th Strike Wing na ipinadala sa Marawi Siege noong 2017 at aktibo pa rin sa kasalukuyan. Nagtatanghal din ang PAF sa mga seremonya at pagdiriwang, gaya noong ika-119 na anibersaryo ng pagpatay kay Jose Rizal noong 2015. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software