About: http://data.cimple.eu/claim-review/c59ff6f092c0a2c4ba9968ee7f3fdec5c5f7104edbf3cebf719ee31d     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Ang Commission on Human Rights (CHR) at Philippine Red Cross ay hawak ng isang organisasyon na tinatawag na European Dracula Globalist. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Wala kaugnayan ang mga ito sa organisasyong tinatawag na European Dracula Globalist. Ang CHR ay isang independent office na itinatag sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution. Ang Philippine Red Cross ay isang non-profit humanitarian organization at miyembro ng International Red Cross and Red Crescent Movement. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 185,000 reaksiyon, 9,500 komento, at 2,600,000 views ang post na nagpapakalat ng sabi-sabing ito sa Facebook. Mga detalye Isang video noong Mayo 19 ng Facebook page “Mimi’vlogs” ang nagpapakita ng isang lalaki na nagsasabing ang Commission on Human Rights (CHR) at Philippine Red Cross ay hawak ng isang organisasyon na tinatawag na European Dracula Globalist. Ang video ay pinamagatan na, “Rebilasyon ni tatay.” Kuwento ng lalaki sa video, patuloy na kinakalaban ng CHR si Pangulong Rodrigo Duterte kahit ginamit ito ng Diyos upang lutasin ang mga problema ng bansa na kaniyang naabutan nang umupo siya bilang pangulo. Sinabi ng lalaki sa 2:01 timestamp ng video ang linyang “Hindi ‘nyo ba alam na ang Red Cross at Human Rights ay under sa European Dracula Globalist?” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 185,000 reaksiyon, 9,500 komento, at 2,600,000 views ang post na nagpapakalat ng sabi-sabing ito sa Facebook. Hindi totoo na hawak ng tinatawag na European Dracula Globalist ang dalawang organisasyon. Gamit ang advanced Google search, dalawang entry lamang ang lumabas para sa European Dracula Globalist. Ang dalawang entry ay komento sa magkaibang Facebook post at parehong conspiracy theory ang mga ito tungkol sa plano ng nasabing organisasyon na bawasan ang populasyon ng mundo gamit ang COVID-19 virus. Hindi rin nabanggit ang nasabing organisasyon sa website ng CHR at Red Cross. Ang CHR ay binigyan ng mandato sa ilalim ng Artikulo XIII, Seksiyon 17, ng 1987 Philippine Constitution at itinatag ng Executive Order No. 163 para maging independent National Human Rights Institution (NHRI) ng bansa upang magsagawa ng imbestigasyon sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Ayon naman sa website ng Philippine Red Cross, ito ay isang non-profit oganization at miyembro ng International Red Cross and Red Crescent Movement. Nagsimula ang PRC bilang National Association of the Red Cross noong 1899 at naging chapter ng American National Red Cross noong panahon ng Commonwealth bago ito humiwalay at naging Philippine Red Cross pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software