About: http://data.cimple.eu/claim-review/d0137a73b5be9012b7e7ba76f034d4af20f5d8e6c7c08bba19f3c72e     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sinabi ni Vice President Leni Robredo na dapat lahat ng tao ay may sasakyan bilang solusyon sa trapik sa Metro Manila. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Hindi sinabi ni Robredo ang pahayag na ito sa CNN Presidential Debate. Sinabi ni Robredo na kailangan ay pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang pampublikong transportasyon at ang pagbibigay ng pondo para sa pagpapaunlad ng kanayunan upang masolusyonan ang mabigat na trapik sa Metro Manila. - Bakit kailangan i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 1,700 reaksiyon, 1,400 komento, at 416 shares ang larawan sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Pebrero 28 ng Facebook page “Bong-Bong Marcos News” ang nagpakita ng isang quote mula umano kay Bise Presidente Leni Robredo, na nagsasabing dapat magkaroon ng sasakyan ang lahat ng tao para masolusyonan ang trapik sa Metro Manila. Makikita sa post ang mga umano’y sagot ng presidential candidates na sina Senator Manny Pacquiao at Vice President Robredo sa isyu ng masikip na trapik na tinalakay sa CNN Presidential Debate noong Pebrero 27. Nakalagay sa post na ang sagot umano ni Robredo sa isyu ng trapiko ay: “Sa tingin ko mas importante na lahat ng tao mayroong sasakyan para mas mabilis ang pagbiyahe.” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 1,700 reaksiyon, 1,400 komento, at 416 shares ang larawan sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Hindi sinabi ni Robredo ang pahayag na iyon sa kaniyang sagot sa CNN Presidential Debate tungkol sa traffic congestion na nararanasan ng mga Pilipino sa Metro Manila at mga karatig na lugar.. Sinabi ni Robredo sa debate na maliit na porsiyento lamang ng mga tao ang may sasakyan, kaya dapat pagtuunan ng pansin ang pampublikong transportasyon at active transport. Sabi ni Robredo sa 1:11:03 timestamp ng debate, “Kailangan ’yung gobyerno magbuhos ng maraming pera para sa active transport para siguraduhin na ’yung mga kababayan natin mayroong nasasakyan, sa mababang halaga, para makakapunta sila sa kanilang trabaho.” Pagkatapos nito ay sinabi ni Robredo na dapat tutukan ang impraestruktura sa pagpapaunlad sa kanayunan upang mabawasan ang pagsikip ng Metro Manila. Ayon sa mobile navigation app na Waze noong 2019, isa ang Metro Manila sa may pinakamalalang trapiko sa buong mundo. Lalo naman nagpahirap sa mga bumibiyahe ang pandemya dahil sa pagkawala ng mga pampublikong transportasyon bunsod ng mga lockdown. Sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act, naglaan ng P1.3 bilyon ang gobyerno para sa 500-kilometro na bike lane network para sa mga national roads ng bansa. Natapos ng Department of Transportation (DOTr) ang proyekto noong Hulyo 2021. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software