About: http://data.cimple.eu/claim-review/d1ff37b4e6569cbdad305c70d898f040b33b73f973eb80d8927b5f8b     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Wala raw naipasang batas si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang siya ay nasa Senado. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Labinlimang Senate bills kung saan si Marcos ang may akda o kapwa may-akda ang naipasa bilang batas mula 2010 hanggang 2016. - Bakit kailangang i-fact-check: Ipinadala sa email ng Rappler ang sabi-sabing ito. Nang isulat ang fact check, mayroon nang 391 retweets, 36 quote tweets, at 1,942 likes ang tweet na naglalaman ng sabi-sabi. Mga detalye Isang tweet noong Oktubre 27 ang nagkukumpara kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Senador Lito Lapid. Ayon dito, wala raw naipasang batas ni Marcos habang senador siya mula 2010 hanggang 2016. Sabi ng tweet: “Si erap nga may dalawang batas na nagawa mas matindi si Lito Lapid may 16 pero yung taga Oxford waley!!!” Ipinadala sa email ng Rappler ang tweet para ma-fact-check. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 391 retweets, 36 quote tweets, at 1,942 likes ang nasabing post. Hindi ito totoo. Sa 15th Congress, noong 2010 hanggang 2013, may pitong Senate bills na naging batas kung saan nakalista bilang may akda o kapwa may-akda si Marcos. Ang mga ito ay ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act, Arbor Day Act, Cybercrime Prevention Act, Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, National Health Insurance Act, Red Cross and Other Emblems Act, at ang batas sa pagbuo ng pitong karagdagang sangay ng Regional Trial Court sa Mandaue, Cebu. Sa 16th Congress naman, taong 2013 hanggang 2016, walo ang naging batas mula sa mga Senate bills na si Marcos ang may akda o kapwa may-akda. Ang mga ito ay ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, Children’s Emergency Relief and Protection Act, Youth Development and Empowerment Act of 2014, Student-Athletes Protection Act of 2014, PAGASA Modernization Act of 2015, at Right-of-Way Act. Kabilang din dito ang batas na nagpaliban ng eleksiyon para sa Sangguniang Kabataan noong 2013, at ang batas na nagpapahintulot sa punong barangay na mangasiwa ng oath of office sa sinumang opisyal ng gobyerno. Lumabas ang sabi-sabi matapos makuwestiyong muli ang edukasyon ni Marcos sa Oxford University. Matatandaang paulit-ulit na nagsinungaling si Marcos at sinabing mayroon siyang bachelor’s degree mula sa Oxford University. Pero ang totoo, special diploma lang ang kaniyang natanggap matapos bumagsak sa mga pagsusulit. Hindi katumbas ng bachelor’s degree and special diploma. Marami na ring naisulat na fact check ang Rappler tungkol sa mga Marcos. – Pauline Macaraeg/Rappler.com Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 2 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software