About: http://data.cimple.eu/claim-review/d2443e29b239107adfc33386754444273120b588cd8a6a0ed8652536     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Magbibigay ng tulong o ayuda na nagkakahalaga ng P10,000 kada pamilya si Pangulong Rodrigo Duterte bago siya bumaba sa kanyang puwesto sa Hunyo 30. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Ang link na kumakalat sa Facebook ay peke. Walang anunsiyo ang Malacañang o opisyal na balita mula sa lehitimong news organization na nagsasabing magbibigay ng P10,000 na tulong o ayuda kada pamilya si Duterte bago bumaba sa puwesto sa Hunyo. - Bakit kailangang i-fact-check: Naloloko ang mga nagko-comment at nagbibigay ng personal na mga detalye. Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 270 reaksiyon, 203 komento, at 524 na shares ang sabi-sabi sa Facebook. Mga detalye Ang Facebook page na “Bbm 31m Ayudamo” ay nag-post ng graphic noong Linggo, Hunyo 12, na nagsasabing magbibigay ng tulong o ayuda na nagkakahalaga ng P10,000 kada pamilya si Presidente Rodrigo Duterte bago siya bumaba sa kanyang puwesto sa Hunyo 30. Ayon sa caption ng post, “Sa Link po kayo palista at 20 share para mabigyan ng Ayuda https://bit.ly/38vUQZV.” Kung susundan ang link sa caption ng post, ito ay magre-redirect sa https://ayuda-updates-2022.blogspot.com/. Samantala, ang graphic na may larawan ni Duterte ay nagsasabing, “PRES. DUTERTE 10K AYUDA Bago Ako Bumaba Sa Pwesto, mamimigay ako ng 10k Bawat Pamilya, paki message ang aking mga Staff sa link palista at 20 share.” Makikita sa comment section ng post na nag-iiwan ng mga personal na impormasyon ang mga netizens katulad ng pangalan, tirahan, at contact number. Ito ay isang pekeng anunsiyo. Makikita sa page transparency ng Facebook page na “Bbm 31m Ayudamo” na ito ay isang personal blog na ginawa lamang noong Mayo 23, 2022. Hindi ito ang opisyal na Facebook page ni Duterte. Ang Facebook page na “Bbm 31m Ayudamo” ay naglalaman ng mga posts na tungkol sa pagbibigay ng mga tulong, tulad ng bahay at pera, mula sa gobyerno. Hindi ito ang opisyal na Facebook page o website ng opisyal at ahensiya ng gobyerno. Ang link na nasa caption ng post na https://ayuda-updates-2022.blogspot.com/ ay isang kahina-hinalang website dahil ito ay gumagamit ng isang libreng domain service provider. Kahit sino ay maaaring mag-set up ng page gamit ang libreng service provider. Walang nakitang opisyal na pahayag, ulat, audio, o video ang Rappler na nagpapatunay na nagsasabing mamimigay ng P10,000 na tulong o ayuda kada pamilya si Duterte bago siya bumaba sa kanyang pwesto. Dati nang na fact-check ng Rappler team ang sabi-sabi tungkol sa pagbibigay ng mga taga-suporta ni Ferdinand Marcos Jr. ng P35,000 na ayuda bawat pamilya at ang isa pang nagsasabing ang UniTeam nagbibigay ng P10,000 na ayuda sa mga bumoto sa kanilang mga kandidato. Ang parehong mga sabi-sabi ay gumagamit ng mga libreng domain. – Owenh Jake Toledo/Rappler.com Si Owenh Jake Toledo ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software