About: http://data.cimple.eu/claim-review/d2b2be7eec832dd7e7e716f1844c80db2922c45ac9aaa8d1c9b37879     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Tala ng Editor: Pinalitan ng “Kulang sa Konteksto” ang dating “Hindi Totoo” na marka ng fact check na ito. In-update ng nag-post ng litrato ang caption niya. Ang dating tiyak na “Sa sobrang desperado na mga dilawang pink pati saging nilagyan na din ng ribbon,” ay dinagdagan ng salitang “baka” – “Sa sobrand desperado na mga dilawang pink baka pati saging na nilagyan ng pink ribbon aakinin na din” – kaya naging espekulasyon na lang ang pahayag. Sa mga komento sa post, marami pa ring naniniwala sa pahayag. Buod - Ang sabi-sabi: Dahil sa desperasyon, nilagyan ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo ng pink ribbon sticker ang mga saging. - Marka: KULANG SA KONTEKSTO - Ang katotohanan: Ang pink sticker sa saging na nasa larawan ay bahagi ng kampanya ng Chiquita bilang pakikiisa sa buwan ng breast cancer awareness nitong Oktubre. - Bakit kailangang i-fact-check: Naging asosasyon na ang pink sa kampo ni Robredo, ngunit ang konteksto ng kulay ay ginamit bilang pag-alaala sa mga lumalaban sa breast cancer. Nagtamo na ng 2,400 na reaksiyon, 423 na komento, at 59 shares ang Facebook post nang isulat ang fact check na ito. Mga detalye Namataan ang Facebook post na naglalaman ng larawan ng saging na may nakadikit na pink ribbon sticker. Kuha raw ito sa Kuwait. Ayon sa post, kagagawan daw ito ng mga tagasuporta ni Vice President Leni Robredo, na tumatakbo sa pagkapresidente. Sabi sa caption ng larawan: “SA SOBRANG DESPERADO NA MGA DILAWANG PINK PATI SAGING NILAGYAN NA DIN NG RIBBON.. OH BILI NA NG SAGING WITH PINK RIBBON.. Photo capture in Kuwait. Salamat kabayan.” Sa kasalukuyan, mayroong 2,400 na reaksiyon, 423 na komento, at 59 shares ang naturang Facebook post. Hindi ito totoo. Ang saging na nasa larawan ay produkto ng Chiquita, isang global na producer at distributor ng mga produktong agrikultural. Ayon sa opisyal na website ng Chiquita, ang pagdikit ng pink sticker sa kanilang mga produkto ay bahagi ng kanilang paggunita sa breast cancer awareness month nitong Oktubre. Sa pamamagitan ng pink na sticker, ipinahahatid ng kompanya ang mensahe ng pangangalaga sa sarili, malusog na pamumuhay, at maagang deteksiyon ng breast cancer. Ipinabatid din noong Oktubre 20 ng Chiquita sa kanilang Facebook page ang pagpalit ng sticker. Ikalimang taon na ng pangangampanya ng Chiquita laban sa breast cancer gamit ang mga pink na sticker. Nakisanib din ang kumpanya sa American Cancer Society upang bumuo ng anim na recipe alinsunod sa ACS nutritional guidelines gamit ang saging bilang pangunahing sangkap. Ang Chiquita ay nagsimula noong 1877 bilang shipper ng mga saging. Sa kasalukuyan, naghahatid ng produkto ang kompanya sa halos 70 bansa. – Patrick Ernest Celso/Rappler.com Si Patrick Ernest Celso ay isang guro, manunulat, at volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software