About: http://data.cimple.eu/claim-review/d3dd875c27f174a65b950cf6654d7a8920abcd540c4f9eeca16ac071     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Mayroong super typhoon na may pangalang “Domeng” sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Mayo 31, 2022. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang super typhoon sa loob ng PAR nang isulat ang fact check na ito. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), isang Low Pressure Area (LPA) lang ang nasa loob ng PAR nang i-post ng YouTube channel ang sabi-sabi. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 2,400 reaksiyon at 252,070 views ang post sa YouTube. Mga detalye Isang video noong Mayo 31 ng YouTube channel “CNTV” ang nagsasabi na mayroong isang super typhoon na may pangalang “Domeng” ang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ang video ay pinamagatang, “Signal No. 3! Bagyong Domeng, Super Typhoon Na! Tatama Sa Luzon At Visayas!” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang mahigit 2,400 reaksiyon at 252,070 views ang post sa YouTube. Hindi totoo na mayroong super typhoon sa PAR nitong Mayo 31, 2022. Walang binanggit ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa pinakahuli nitong weather forecast noong Hunyo 1, 2022, na mayroong super typhoon sa loob ng PAR. Ayon sa PAGASA, isang Low Pressure Area (LPA) lang ang nasa loob ng PAR. Ito ay may layong 245 kilometro kanluran hilagang kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro. Ang pinakahuling bagyo na humagupit sa bansa ay pinangalanan na Basyang ng PAGASA at ito ay pumasok sa bansa noong Abril 2022. Base sa listahan ng PAGASA ng mga pangalan ng bagyo ngayong taon, ang susunod na bagyo na papasok sa bansa ay papangalanang Caloy at ang susunod dito ay papangalanang Domeng. Ang pinakahuling bagyo naman na pinangalanan na Domeng ng PAGASA ay dumaan sa bansa noong Hunyo 2018. – Lorenz Pasion/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 3 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software