About: http://data.cimple.eu/claim-review/d4255b57035b371d143e58c7373f6db95c060dc997021c6bee6c17b4     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Sinabi ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na babalik na muli sa ere ang ABS-CBN. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang ulat o recording na nagpapatunay na sinabi ito ni Marcos. Noong Mayo 2020, nagsara ang ABS-CBN dahil hindi inaprobahan ng Kongreso ang bagong prangkisa ng estasyon. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 110,000 reaksiyon, 3,700 komento, at 40,000 shares ang post sa Facebook. Mga detalye Isang post noong Miyerkoles, Mayo 11, ang nagsasabing babalik na sa ere ang ABS-CBN, ayon daw kay presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Makikita ang screenshot ng orihinal na post mula kay Facebook user “Kraige Alferio” na nagsasabing, “ABS-CBN IS NOW BACK ON AIR SOON. -BBM SAID” Nang isulat ang fact check na ito, mayroon nang 110,000 reaksiyon, 3,700 komento, at 40,000 shares ang post sa Facebook. Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Walang nakitang opisyal na pahayag, ulat, audio, o video ang Rappler na nagpapatunay na sinabi ni Marcos ang quote na pinag-uusapan. Wala ring balita mula sa alinmang lehitimong news outfit na nag-quote kay Marcos Jr. na nagsasabing babalik na ang ABS-CBN sa ere. Sa panayam ng DWIZ 882 sa radyo noong Enero 26, sinabi ng Marcos Jr. na dapat ayusin muna ng ABS-CBN ang mga isyung iniharap sa House committee on legislative franchises bago ito muling mag-apply ng prangkisa. “Yung franchise ng ABS, nakita ko, ang naging proseso doon sa House of Representatives, ang naging problema kung bakit hindi ’tinuloy ang extension ng prangkisa ay dahil may mga nakitang problema – violation sa tax codes sa iba’t ibang bagay,” sabi ni Marcos. “ABS-CBN has been a very fervid critic of me, my family, all lahat sa mga panig ng mga Marcos. So pero hindi ’yan ang pinag-uusapan. Ang pinag-uusapan ay ’yun ngang mga violation na nakita. Kapag naayos ’yan, bakit naman hindi maibabalik ang prangkisa?” dagdag ni Marcos. Hindi mandato ng ehekutibong sangay ng pamahalaan ang pagbibigay ng prangkisa. Lehislatura ang may mandato nito. Noong Mayo 2020, nagsara ang ABS-CBN dahil napasó ang prangkisa nito. Tinanggihan ng mga mambabatas na bigyan ang ABS-CBN ng bagong 25-taong prangkisa sa boto na 70-11 noong Hulyo 10, 2020. (BASAHIN: TIMELINE: ABS-CBN franchise) Noong Enero 5, 2022, binigyan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Advance Media Broadcasting System (AMBS), Aliw Broadcasting Corporation, at Sonshine Media Network International (SMNI) ng kani-kanilang mga provisional authority upang patakbuhin ang mga frequency na dating nakatalaga at ginamit ng ABS-CBN. (BASAHIN: TIMELINE: NTC distributes ABS-CBN frequency) – Owenh Toledo/Rappler.com Si Owenh Toledo ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software