About: http://data.cimple.eu/claim-review/d94cd661fcd950a5a0a75c3db2dede40856bb8e1f8df6e298ecd700c     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Ang sabi-sabi: Tutuldukan na raw ang K-12 program matapos umaksiyon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte. Pinamagatan ang isang YouTube video: “KAKAPASOK LANG GRABE! PBBM at VPSARA NILUSOB ang DEPED, K-12 PROGRAM ni PNOY OFFICIAL ng TINANGGAL?!” Ginamit din sa video ang clip ng mensahe nina Marcos at Duterte sa ginanap na Basic Education Report (BER) 2023. Sa kahabaan ng kanilang mensahe ay nakalagay ang mga tekstong “GOODNEWS! K-12 PROGRAM TUTULDUKAN NA! PRES BBM at VP SARA UMAKSYON NA!” (sic). Marka: HINDI TOTOO Bakit kailangang i-fact-check: Ang YouTube video na naglalaman ng sabi-sabi ay mayroon nang 31,121 views. Kahit ginanap na ang report ng DepEd kung saan ibinahagi ni Duterte ang updates sa ginagawang review ng K-12, patuloy pa rin ang pagpapakalat ng maling sabi-sabi hinggil sa umano’y pagbuwag ng K-12 program Ang katotohanan: Hindi binanggit ni Marcos at Duterte na tatanggalin na ang K-12 curriculum sa kanilang talumpati sa ginanap na BER noong Enero 30. Sa halip, sinabi ni Duterte na ongoing pa ang review nila ng curriculum nito. Sa kasalukuyan, nakita raw ng kanyang departamento na “congested” ang curriculum ng K-12 na programa. Ang ilan daw sa mga prerequisites ng ilang natukoy na learning competency ay nawawala o “misplaced” sa curriculum. Ibinahagi rin ni Duterte na kasalukuyang isinasapinal ang curriculum ng Kinder hanggang Grade 10, habang nasa ilalim pa ng review ang curriculum ng senior high school. Sa naging talumpati ng Pangulo hindi rin binanggit na tutuldukan na ang K-12 program. Muli, kailangan ng panibagong batas kung bubuwagin ang K-12 na programa. Sa kasalukuyan, walang batas, kahit panukalang batas na nakahain sa Kongreso, na naglalayong buwagin ito.– Ailla Dela Cruz/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software