About: http://data.cimple.eu/claim-review/dd7ea6932aad1b6413635c32c8788a8086190bc62d18870237f59827     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Matatanggalan ng scholarship ang mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na ipinagpapatuloy ang pagkontra sa gobyerno, ayon kay Sara Duterte. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Walang ulat na nagpapatunay na sinabi ito ni Sara Duterte. Ang pagbibigay ng puna, pagkontra, o pagpoprotesta laban sa mga maling patakaran ng gobyerno ay kabilang sa karapatang pantao sa ilalim ng Seksyon 4, Artikulo III, ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. - Bakit kailangang i-fact-check: Sa ngayon, umabot na sa 1,900,000 views, 116,000 na reaksiyon, at 12,000 na komento ang naturang kasinungalingan sa Facebook. Mga detalye Kasabay ng balita na itatalagang sunod na hepe ng Department of Education (DepEd) si presumptive vice president Sara Duterte, isang video ang kumalat sa Facebook, na nagbababala sa mga nagbabalak pang “kumontra” o magprotesta laban sa gobyerno, partikular na ang mga estudyante mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Ayon dito, matatanggal ang scholarship ng mga nasabing indibiduwal, alinsunod sa pag-uutos ni Duterte. Makikita sa naturang video ang mga katagang, “VP SARA GINULANTANG ANG U.P.” Kalakip din nito ang caption na, “FINALLY! SARAD0 NA! PRRD BBM VP SARA HARAPANG TINUL-D0KAN ang U.P DILIMAN/ SCH0LAR TANGGAL.” Dagdag ng nagsasalita sa video, “Mainit na pinag-uusapan ngayon sa mundo ng social media ang di-umano’y balita na ang mga UP students ay tiyak na matatanggalan ng scholarship kapag ipinagpapatuloy nila ’yung pagkontra sa gobyerno.” Hindi totoo ang sabi-sabing ito. Walang kahit anong ulat ang mga news site na nagbabala ng ganito si Sara Duterte. Bahagi ng karapatang pantao ang pagpuna sa gobyerno at ang pagpoprotesta. Sa ilalim ng Seksyon 4, Artikulo III, o Katipunan ng mga Karapatan, sa 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas, “Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan.” Samantala, sa gitna ng patuloy na red-tagging sa mga estudyanteng dumadalo sa kilos-protesta, nagbigay ng pahayag ang Unibersidad ng Pilipinas nitong Mayo 13, 2022. Anila: “We will continue to defend our academic spaces. We will protect our students vigorously against red-tagging, harassment, and intimidation. We will safeguard the University from destabilizing forces.” (Patuloy naming ipagtatanggol ang espasyo ng akademiya. Patuloy naming poprotektahan ang aming mga estudyante laban sa red-tagging, panliligalig, at pananakot.) “Critical thinking and service to community and country are hallmarks of UP’s tradition as an institution of higher learning,” dagdag pa nila. (Ang kritikal na pag-iisip at serbisyo sa komunidad at sa bansa ay ang mga haligi ng tradisyon ng UP bilang institusyon ng mas mataas na pag-aaral.) – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Maaari ring magsumite ng mga sabi-sabi sa #FactsFirstPH tipline. Ipadala lang ang mga ito bilang message sa Facebook ng Rappler, bilang direct message sa Twitter ng Newsbreak, o bilang message sa aming Viber fact check chatbot. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software