About: http://data.cimple.eu/claim-review/decc90971169162613fe69dffd88c3c2341540b12f5dec9b9d1e1397     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Mayroong bidyo na nagpapakita ng pagtitipon ng umano’y mga tagasuporta ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumisigaw sila ng “Marcos pa rin!” sa Manila Bay. - Marka: MANIPULADONG BIDYO - Ang katotohanan: Ang pagtitipon ng mga tao na nakikita sa bidyo ay hindi para kay Marcos. Pinatungan lamang ang bidyo ng sound mula sa isang bidyo ng tunay na pagtitipon para kay Marcos. - Bakit kailangang i-fact-check: Ang manipuladong bidyo ay mayroong 397 reaksiyon, 231 shares, at 8,800 views nang isinulat ang fact check na ito. Kumalat na rin sa ibang Facebook group ang nasabing post. Ginagamit din ang “Marcos pa rin” na sound clip sa iba pang mga manipuladong bidyo. Mga detalye Nagpaskil ang “Marcos Ako” Facebook page noong Nobyembre 7 ng isang bidyo na ipinapakita ang isang umano’y pagtitipon na may sumisigaw ng “Marcos pa rin!” bilang pagsuporta sa kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Nakalagay sa bidyo ang watermark ng TikTok user na si @quemz25. Ito ay isang manipuladong bidyo. Kung titingnan ang orihinal na bidyo sa TikTok na ipinaskil noong Nobyembre 8, nakalagay sa caption na ito ay kuha sa “Manila Bay” at ang “original sound” ay galing sa isa pang TikTok bidyo mula kay @bongbong_liza. Ibig sabihin ay kinuha ang sound mula sa bidyo ni @bongbong_liza at inilagay sa bidyo ni @quemz25 na nagpapakita ng isang pagtitipon na walang kinalaman kay Marcos. Mayroong motorcade na ginanap ang mga tagasuporta ni Marcos sa Ilocos Sur at Luneta Park noong Nobyembre 7, ngunit walang mahanap na ulat mula sa media o post sa social media na nagpapakita ng caravan sa Manila Bay noong araw na iyon. Mapapansin rin na ang mga tao sa bidyo ay hindi nakasuot ng pulang kamiseta na tema ng caravan ni Marcos. Ang mga caravan para kay Marcos ay ginanap noong Nobyembre 20 sa Lal-lo, Cagayan, at sa Ilocos Norte, Negros Occidental, Bacolod, at Cagayan De Oro noong Nobyembre 21. Marami na ring gumamit ng sound clip na “Marcos pa rin” bilang “background sound” sa iba pang mga manipuladong bidyo saTikTok. Kumalat na rin ang manipuladong bidyo sa mga Facebook group ng iba’t-bang komunidad, katulad ng “LOS BAÑOS ‘PEOPLE’S’ GROUP,” na mayroong mahigit 37,000 na miyembro. Ito ay ibinahagi sa group ng kakagawa pa lang na Facebook account na may username na “Juan Dela Cruz.” – Miguel Victor Durian/Rappler.com Si Miguel Victor Durian ay nagtapos bilang volunteer ng fact-checking mentorship program ng Rappler. Ang fact check na ito ay sinuri ng miyembro ng research team ng Rappler at ng senior editor. Magbahagi kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network. I-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Sa bawat fact check, labanan natin ang pagkalat ng mali o mapanlinlang na impormasyon. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 11 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software