About: http://data.cimple.eu/claim-review/e2a4db28d159c4d0684d1e2e4b4b83135c06a9447b1172fe13b152b2     Goto   Sponge   NotDistinct   Permalink

An Entity of Type : schema:ClaimReview, within Data Space : data.cimple.eu associated with source document(s)

AttributesValues
rdf:type
http://data.cimple...lizedReviewRating
schema:url
schema:text
  • SUMMARY This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article. Buod - Ang sabi-sabi: Bangkay na nang dumating si Kris Aquino sa Pilipinas mula sa kanyang pagpapagamot sa Estados Unidos. - Marka: HINDI TOTOO - Ang katotohanan: Buhay ang sikat na TV host at aktres. Ngayong Huwebes, Hunyo 30, nagbigay ng pahayag si Aquino sa Instagram tungkol sa kanyang kalusugan. - Bakit kailangang i-fact-check: Nang isulat ang fact check na ito, umabot na sa 109,700 views ang naturang kasinungalingan sa YouTube. Tinanggal din ng nagpaskil ang kakayahang magkomento ng mga user sa ilalim ng nasabing video, kung kaya’t lalong hindi maitama ang malisyoso nitong anunsiyo. Mga detalye Ngayong Hunyo, nag-viral sa YouTube ang isang video na may titulong, “Just in: Bangkay Ni Kris Aquino Dumating Na Sa Pinas | Kris Aquino Pumanaw Na | Kris Aquino Update!” Ayon sa nagpaskil, “Hindi alam ng karamihan na talaga namang pumanaw na nga ang sikat na TV host-actress, at may balita na nga na nakalapag na sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) ang kanyang bangkay para dito mismo sa Pilipinas ilibing ito. Panigurado, kasama ito sa kanyang mga magulang na si Ninoy at Corazon Aquino.” Kasinungalingan ito. Buhay si Kris Aquino. Ngayong Huwebes, Hunyo 30, nagbigay ng pahayag ang TV host at aktres sa kanyang opisyal na account sa Instagram tungkol sa kanyang kalusugan. Sa lakip na video, makikita si Aquino na nagpapatingin sa ospital. Aniya, “This isn’t a permanent goodbye (hindi ito permanenteng paalam), ibalato nyo na lang hanggang malagpasan namin itong matinding pagsubok.” Sa ngayon, ipinagagamot ni Aquino ang kanyang autoimmune disease sa Estados Unidos matapos niyang gumaling sa COVID-19. – Rochel Ellen Bernido/Rappler.com Kung may nakikita kang kahina-hinalang Facebook pages, groups, accounts, websites, artikulo, o mga larawan sa iyong network, i-send ang mga ito sa factcheck@rappler.com. Add a comment How does this make you feel? There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.
schema:mentions
schema:reviewRating
schema:author
schema:datePublished
schema:inLanguage
  • Filipino
schema:itemReviewed
Faceted Search & Find service v1.16.115 as of Oct 09 2023


Alternative Linked Data Documents: ODE     Content Formats:   [cxml] [csv]     RDF   [text] [turtle] [ld+json] [rdf+json] [rdf+xml]     ODATA   [atom+xml] [odata+json]     Microdata   [microdata+json] [html]    About   
This material is Open Knowledge   W3C Semantic Web Technology [RDF Data] Valid XHTML + RDFa
OpenLink Virtuoso version 07.20.3238 as of Jul 16 2024, on Linux (x86_64-pc-linux-musl), Single-Server Edition (126 GB total memory, 5 GB memory in use)
Data on this page belongs to its respective rights holders.
Virtuoso Faceted Browser Copyright © 2009-2025 OpenLink Software